HONOLULU – Habang naghahanda ang mga residente ng Maui na ayusin, muling itayo at i-retrofit ang kanilang mga tahanan pagkatapos ng mga malaking sunog (wildfires) noong Agosto 8, nakipagtulungan ang FEMA sa Home Depot sa Kahului upang magbigay ng libreng impormasyon at mga tips sa kung paano gawing mas matatag at ligtas ang mga tahanan.
Ang mga espesyalista sa FEMA ay magiging available upang sagutin ang mga tanong at mag-alok ng mga tips sa pagpapaganda ng bahay at mga napatunayang pamamaraan upang makatulong na maiwasan o mabawasan ang pinsala mula sa mga sakuna. Karamihan sa impormasyon ay naglalayong sa mga do-it-yourselfers at pangkalahatang kontraktor na trabaho.
Magiging available ang mga espesyalista Lunes, Sept. 11, hanggang Sabado, Sept. 16, sa lokasyong ito:
The Home Depot
100 Pakaula Street
Kahului, HI 96732
Oras: 7 a.m. hanggang 5:30 p.m. Lunes hanggang Sabado
Para sa pinakabagong impormasyon sa pagbangon mula sa sunog sa kagubatan (wildfire) sa Maui, bisitahin ang mauicounty.gov at fema.gov/disaster/4724. I-follow ang FEMA sa social media: @FEMARegion9 at facebook.com/fema.