Paano Mag-Apply sa Tulong ng FEMA Pagkatapos ng Bagyong Idalia

Release Date Release Number
001
Release Date:
August 31, 2023

ATLANTA – Ang mga taga-Florida na may-ari ng bahay at umuupa sa county ng Citrus, Dixie, Hamilton, Lafayette, Levy, Suwannee at Taylor na may walang-seguro na pagkasira o pagkawala na naidulot ng Bagyong Idalia ay maaaring mag-apply para sa tulong sa sakuna ng FEMA.

Ang FEMA ay maaaring makatulong sa pansamantalang tuluyan, pangunahing gastos sa pagpapagawa ng bahay o iba pang pangangailangan na naidulot ng sakuna.

Maraming paraan para mag-apply: Pumunta online sa DisasterAssistance.gov, tumawag sa 800-621-3362 mula 7 n.u. hanggang 11 n.g. Eastern Time (Oras sa Silangan), o gamitin ang FEMA mobile app. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay tulad ng VRS (serbisyo ng relay sa bidyo), serbisyo ng naka-caption na telepono o iba pa, ibigay mo sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon.

Kapag mag-aaply ka na para sa tulong, pakihanda ang sumusunod na impormasyon:  

  • Ang iyong kasalukuyang numero ng telepono kung saan ka matatawagan
  • Ang iyong address sa panahon ng sakuna at ang iyong kasalukuyang address kung saan ka ngayon tumutuloy
  • Ang iyong Numero ng Seguridad Panlipunan
  • Isang pangkalahatang listahan ng pagkasira at pagkawala
  • Ang iyong impormasyon sa bangko kung piliin mong tumanggap ng direktang deposito 
  • Kung may seguro, ang numero ng patakaran o ang pangalan ng ahente at/o ang kumpanya

Ang mga residente na may seguro sa may-ari ng bahay, umuupa, o pagbaha ay dapat mag-file ng claim sa lalong madaling panahon. Hindi kayang kopyahin ng FEMA ang mga benepisyo para sa pagkawala na sakop ng seguro. Kung ang patakaran ay hindi sumasakop sa lahat ng gastos sa sakuna, ang mga may hawak ng patakaran ay maaaring maging kwalipikado para sa pederal na tulong. 

Kumuha ng mga litrato para maitala ang pagkasira at simulan na ang paglilinis at pagpapagawa upang mapigilan ang karagdagang sira. Tandaan na itago ang mga resibo sa lahat ng mga binili na may kaugnayan sa paglilinis at pagpapagawa. 

Para sa naa-access na bidyo kung paano mag-apply para sa tulong, pumunta sa, youtube.com/watch?v=WZGpWI2RCNw.

Tags:
Huling na-update noong