Maging Alerto sa Fraud (Panloloko) Pagkatapos ng Bagyong Idalia

Release Date Release Number
003
Release Date:
September 2, 2023

ATLANTA – Ang mga nakaligtas sa sakuna ay dapat may kamalayan na mayroong mga manloloko at kriminal na maaaring subukan na kumuha o magnakay ng personal na impor masyon sa pamamagitan ng fraud (panloloko) o pagnanakay ng pagkakakilanlan pagkatapos ng isang sakuna. Sa ibang pagkakataon, sumusubok ang mga magnanakay na mag-apply para sa tulong ng FEMA gamit ang mga pangalan, address, at numero ng Seguridad Panlipunan na kanilang ninakaw mula sa mga nakaligtas.

Kung may isang inspektor ng FEMA na pumunta sa iyong bahay ngunit hindi ka naman nagsumite ng aplikasyon sa FEMA, maaaring nagamit ang iyong impormasyon nang hindi mo nalalaman upang lumikha ng aplikasyon sa FEMA. Kung gayon, ipaalam mo po sa inspektor na hindi ka nag-apply para sa tulong ng FEMA para makasumite sila ng kahilingan na itigil ang karagdagang pagproseso ng aplikasyon.

Kung hindi ka nag-apply para sa tulong pero nakatanggap ka ng liham mula sa FEMA, pakitawagan ang Linya ng Tulong ng FEMA sa 800-621-3362. Ang linya ng tulong ay magsusumite ng kahilingan na itigil ang karagdagang pagproseso ng aplikasyon. 

Kung sakaling gusto mong mag-apply para sa tulong ng FEMA pagkatapos mong itigil ang isang aplikasyon na ginawa sa pangalan mo nang wala kang nalalaman, ang Linya ng Tulong ay tutulong sa iyo na lumikha ng panibagong aplikasyon.

Iskam

Ang mga pangkat ng FEMA Disaster Survivor Assistance (DSA o Tulong sa Nakaligtas sa Sakuna), inspektor ng pabahay at iba pang opisyal ay magtatrabaho sa mga luga nar naapektuhan ng Bagyong Idalia sa Florida. Nagdadala sila ng opisyal na tsapa ng pagkakakilanlan na may litrato ng pagkakakilanlan. Ang mga kumakatawan ng FEMA at ng U.S. Small Business Administration (SBA o Administrasyon ng Maliliit na Negosyo) ay hindi naniningil sa mga aplikante para sa tulong sa sakuna, inspeksyon, o tulong sa pagfill-up ng aplikasyon. 

Huwag kang maniniwala sa kahit sinong nangangako ng gawad sa sakuna bilang kapalit sa bayad. 

Mag-ingat sa mga hindi inaasahang tawag sa telepono o bisita sa iyong bahay ng mga taong nagpapanggap na sila ay nagtatrabaho sa FEMA. Ang mga inspektor ng FEMA ay mayroong numero ng iyong aplikasyon sa FEMA.

Huwag mong ibigay ang iyong impormasyon sa bangko sa isang taong nagsasabing siya ay isang inspektor ng FEMA. Ang mga inspektor ng FEMA ay hindi awtorisadong mangolekta ng iyong personal na impormasyong pinansyal. 

Kung ikaw ay naniniwala na ikaw ay biktima ng isang iskam, isumbong ito kaagad sa iyong lokal na departamento ng pulis o sheriff o makipag-ugnayan sa Opisina ng Pangunahing Abogado sa pamamagitan ng pagtawag sa 866-9-NO-SCAM (866-966-7226) o bumisita sa myfloridalegal.com. Upang makafile ng reklamo sa fraud, pumunta sa online sa Scam Report (myfloridalegal.com).

Kung pinaghihinalaan mo ang isang aktibidad ng panloloko na may kinalaman ang FEMA, isumbong ito sa Sangay ng Fraud ng FEMA sa:  StopFEMAFraud@fema.dhs.gov, i-fax ang: 202-212-4926 o sumulat sa: FEMA Fraud and Internal Investigation Division, 400 C Street SW Mail Stop 3005, Washington, DC 20472-3005.

Kung pinaghihinalaan mo ang pagnanakaw ng pagkakakilanlan, bumisita ka po sa Identity Theft | FTC Consumer InformationIdentityTheft.gov

Tags:
Huling na-update noong