Karagdagang mga County sa Florida ay Kwalipikado para sa Tulong ng FEMA

Release Date Release Number
004
Release Date:
September 2, 2023

ATLANTA – Ang mga county ng Columbia, Gilchrist, Hernando, Jefferson, Madison at Pasco ay kwalipikado na ngayon para sa tulong ng FEMA pagkatapos ng Bagyong Idalia. 

Ang mga indibidwal at sambahayan ng nagtamo ng pagkawala mula sa Bagyong Idalia sa mga county ng Columbia, Gilchrist, Hernando, Jefferson, Madison at Pasco ay maaaring mag-apply para sa Tulong Pang-Indibidwal ng FEMA.

Itong mga county ay sumasali sa county ng Citrus, Dixie, Hamilton, Lafayette, Levy, Suwannee at Taylor, na kamakailang inapruba para sa Tulong Pang-Indibidwal.

Upang makaapply para sa tulong sa sakuna ng FEMA, pumunta sa online Sa DisasterAssistance.gov, gamitin ang FEMA app para sa mga smartphone o tumawag sa 800-621-3362. Maaaring makakuha ng tulong sa karamihan ng mga wika. Kung gumagamit ka n serbisyo ng relay sa bidyo (VRS), serbisyo ng naka-caption na telepono o iba pa, ibigay mo sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon. Bukas ang mga linya mula 7 n.u. hanggang 11 n.g. sa lokal na oras, araw-araw.

Ang tulong sa sakuna ay maaaring isama ang pinansyal na tulong para sa pansamantalang tuluyan, pangunahing pagpapagawa ng bahay at iba pang gastos na may kaugnayan sa sakuna.

Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa pagbawi ng Florida mula sa Bagyong Idalia, bumisita sa floridadisaster.org/updates/at fema.gov/disaster/4734. Sundan ang FEMA sa X, dating kilala bilang Twitter, sa twitter.com/femaregion4 at sa facebook.com/fema.

Tags:
Huling na-update noong