RALEIGH, N.C. – Matapos magparehistro para sa tulong para sa sakuna, maaari kang makatanggap ng sulat o email galing sa FEMA. Pakibasa ng mabuti ang sulat ng determinasyon upang maintindihan mo ang iyong karapatang makatanggap ng tulong pang-federal.
Maraming rason kung bakit maaaring makatanggap ka ng inisyal na determinasyon na nagsasaad na wala kang matatanggap na tulong. Ang pinakamadalas na rason ay ang pangangailangan na bigyan ang FEMA ng kopya ng sulat na nagpapatunay ng sakop ng iyong insurance bago maproseso ng FEMA ang iyong aplikasyon para sa grant.
Ang mga ibang rason kung bakit hindi ka makakatanggap ng tulong ay:
- Hindi mo pinirmahan ang mga kinakailangang dokumento.
- Hindi mo napatunayan ang iyong pagtira o pag-aari.
- Hindi mapatunayan ang iyong katauhan.
- Ang nasira ay hindi ang iyong pangunahing tirahan, pero sa pangalawang bahay o paupahan.
- May ibang miyembro ng iyong bahay na nag-aplay na at nakatanggap na ng tulong.
- Hindi mapatunayan ang mga nasira na sanhi ng sakuna.
- Ang pinsala na nagawa ng kasalukuyang sakuna ay hindi nakaapekto sa kaligtasan ng bahay na tinitirahan mo. Ang iyong bahay ay ligtas, malinis, at natitirahan parin.
- Isinaad mo sa iyong aplikasyon na ayaw mong lumipat habang inaayos ang mga pinsala sa iyong bahay. Ito ang mga dahilan kung bakit hindi ka makakatanggap ng inisyal na tulong para sa renta. Samakatwid, nakahanap ka pa ng ibang pinsala sa iyong bahay at ngayon kelangan mo nang lumipat
Makipagugnayan sa FEMA upang makapagbigay ka ng mas maraming impormasyon o nawawalang dokumentasyon.
- Tumawag sa FEMA Helpline sa 800-621-3362 (TTY 800-462-7585); o
- Bumisita sa isang Rekaberi Senter para sa mga Sakuna. Upang makahanap ng pinakamalapit na senter, pumunta sa fema.gov/DRC, tawagan ang FEMA Helpline, o i-download angFEMA app.
Ang mga may ari ng bahay, umuupa, o may ari ng negosyo sa mga counties na Beaufort, Bladen, Brunswick, Carteret, Columbus, Craven, Cumberland, Duplin, Greene, Harnett, Hoke, Hyde, Johnston, Jones, Lee, Lenoir, Moore, New Hanover, Onslow, Pamlico, Pender, Pitt, Richmond, Robeson, Sampson, Scotland, Wayne and Wilson ay maaring magrehistro para sa tulong para sa sakuna para sa mga insured at uninsured na mga pinsala o kawalan na resulta ng Bagyong Florence
###
Misyon ng FEMA: Tulong ang mga mamamayan bago, habang, at pagkatapos ng mga sakuna.
Para sa iba pang impormasyon sa rekaberi ng North Carolina dahil sa Bagyon Florence NCDPS.gov/NCEM and FEMA.gov/Disaster/4393. Sundan sa Twitter: @NCEmergency at @FEMARegion4.
Lahat ng tulong sa sakuna ng FEMA ay ibinibigay ng walang diskriminasyon dahil sa lahi, kulay, kasarian( kasali ang sekswal na pang-haharas), relihiyon, nasyon na pinanggalingan, edad, kapansanan, hindi kagalingan mag-ngles, estado sa ekonomiya, o retalyasyon. Kung naniniwala kang nilabag ang iyong mga karapatang sibil, pakitawag ang 800-621-3362 or 800-462-7585(TTY/TDD).
Ang pansamantalang tulong sa bahay, at grants para sa gastos para sa pampublikong transportasyon, medikal at dental na gastos, at mga gastos para sa burol at pang-libing ay hindi kinakailangan mag-aplay ng kada-individwal ng SBA na utang. Samakatwid, ang mga aplikante na nakatanggap ng aplikasyon upang makakuha ng utang sa SBA ay dapat ibigay ito sa isang opiser ng utang sa SBA upang makatanggap ng tulong para masakop ang mga gastusin para sa personal na pag-aari, pagpapaayos o pagpapalit ng sasakyan, at paglilipat o pag-iimbak.