TALLAHASSEE, Fla. – Habang ang mga taga-Florida ay nagpapaayos o muling ipinapatayo ang mga tirahang nasalanta ng Bagyong Michael, ang FEMA at ang mga home-improvement store sa mga county ng Bay at Leon ay nagtutulungan upang magkaloob ng libreng impormasyon at babasahin tungkol sa kung paano gagawing mas matibay at ligtas ang mga tirahan.
Oras para sa parehong lokasyon (lokal na oras): Disyembre 27-28 mula 8 a.m. sa 5:30 n.h. dalawang araw Disyembre 29 mula 8 a.m. sa ganap na alas-2:30 n.h. Disyembre 31 mula 8 a.m. sa ganap na alas-3:30 n.h. Enero 2 mula 8 a.m. sa ganap na alas-5:30 n.h.
Hanapin ang higit pang impormasyon tungkol sa pagpapatibay ng ari-arian sa fema.gov/protect-your-property. Maaaring magbigay ng pangkalahatang gabay tungkol sa mga insurance policy para sa baha at magbigay ng tulong panteknikal upang makatulong sa pagbangon mula sa sakuna.
Upang makipag-ugnay sa FEMA, tawagan ang Helpline sa 800-621-3362 o 800-462-7585 (TTY). Mayroong mga operator para sa iba’t ibang wika. Ang mga operator ay nagbibigay ng serbisyo mula 6 a.m hanggang 10 p.m., pitong araw sa isang linggo hanggang magbigay ng panibagong abiso. ###
Misyon ng FEMA: Tulungan ang mga mamamayan bago, habang, at pagkatapos ng mga sakuna.
Para sa listahan ng mga mapagkukunan ng suporta at impormasyon para sa mga indibidwal at negosyong apektado ng Bagyong Michael, bumisita sa www.floridadisaster.org/info Para sa impormasyon tungkol sa pagbangon mula sa Bagyong Michael, bumisita sa www.fema.gov/tl/disaster/4399. Sundin ang FEMA at ang Dibisyon ng Florida para sa Pamamahala ng Emerhensya sa Twitter sa @FEMARegion4 and @FLSERT. Maaari rin ninyong bisitahin ang FEMA at ang mga Facebook page ng Dibisyon sa Facebook.com/FEMA and Facebook.com/FloridaSERT |