Tala ng Kaalaman: Mga Bahay na Ligtas, Malinis, at Napapakinabangan

Release Date Release Number
R4-DR-4399-FL FS 006
Release Date:
Nobyembre 5, 2018
  • Ang mga nakaligtas na mga mamamayan na may-ari ng napinsalang bahay dahil sa Bagyong Michael at walang insurans o kulang ang insurans, ay maaaring maging elijibol para sa tulong galing sa FEMA upang maayos muli ang kanilang mga bahay nang ito ay maging ligtas, malinis, at may mapapakinabangan na  kondisyon.
     
  • Ang tulong galing sa FEMA ay hindi kagaya ng insurans at hindi nito kayang gawin buo muli ang mga nakaligtas. Ang tulong galing sa FEMA ay nagbibigay lamang ng mga pangunahing pangangailangan para sa tahanan nang ito’y maaaring tirahan—kasali dito ang mga inidoro, ang bubong, kritikal na utilidad, mga bintana, at mga pintuan. Ang mga halimbawa ng mga hindi elijibol na mga bagay ay mga hindi mahahalagang mga aparador o pintuan ng garahe.
     
  • Dapat ang sanhi ng pinsala ay ang sakuna. Kinakailangan inspeksyonin ang tahanan upang makwenta at mapatunayan ang kawalan. Ang kwenta ay base sa pangkalahatang presyo ng pagkasira para sa mga bagay ng karaniwang kalidad, laki, at kapasidad.
     
  • Masasabing ligtas, malinis, at kapakipakinabang ang bahay kung nakamit nito ang mga sumusunod na mga kondisyon:
    • Ang labas ay matibay ang pagkakatayo, kasali ang mga pintuan, bubong, at mga bintana.
    • Ang kuryente, gas, pampainit, mga tubo, at paagusan sa banyo at ang sistema ng poso negro ay gumagana.
    • Ang loob ng bahay ay matibay ang pagkakatayo, kasali na ang mga kisama at mga sahig.
    • Ang bahay ay may kakayahan na gumana para sa nilayon na pakay nito.
    • May ligtas na paraan upang makapasok o makalabas sa bahay na ito.

 

Mga Halimbawa

  • Mga Kasangkapan: Maaaring tumulong ang FEMA para sa pagpapalit o pagkukumpuni ng mga napinsala ng sakuna na mga pugon at mga pampainit ng tubig. Ang mga hindi mahahalagang mga kasangkapan kagaya ng mga makina na panghugas ng pinggan at mga kasangkapan para sa libangan ng bahay ay hindi kasali.
  • Pinsala sa Kisame at Bubong: Maaaring tumulong ang FEMA upang makumpuni ang mga butas sa bubong na makakapinsala sa bubong at nagbabantang sumira sa mga elektrikal na mga kasangkapan kagaya nga mga ilaw sa kisame. Ang gastos upang alisin ang mga mansta dahil sa tulo galing sa bubong ay hindi maaaring ireimburs.
     (karagdagan)
  • Mga Sahig: Maaaring tumulong ang FEMA upang makumpuni ang mga subfloor sa mga okupadong bahagi ng bahay na napinsala dahil sa sakuna.
  • Mga Bintana: Maaaring tumulong ang FEMA para sa mga napinsalang bintana dahil sa sakuna, pero hindi ang mga blaynd at mga kurtina.
     
    Pagdetermina kung Maaaring Matirahan
  • Iba iba ang mga kwenta nga FEMA upang mapatunayan ang mga kawalan dahil ang sitwasyon ng kada aplikante ay magkakaiba. Ang mga nagastos para sa mga pagkukumpuni na lampas sa kondisyon upang maging ligtas, malinis, at kapakipakinabang ang tirahan ay hindi elijibol.
     
  • Gumagamit ang FEMA ng iba’t ibang paraan upang mapatunayan kung maaaring matirahan ang isang bahay, kasali na dito ang mga inspeksyon sa sayt at paggamit ng teknolohiya—kagaya ng pagkuha ng litrato gamit ang satelayt at may katambal na asesment ng aplikante. Ang pinaka-karaniwan ng uri ng pagpapatunay ay ang inspeksyon sa sayt.

 

Inskpeksyon Sa Sayt

 

  • Binibigyan ng FEMA ng espesipikong gabay na dapat sundin ng mga inspektor tuwing nagsasagawa sila ng inspeksyon sa sayt upang malaman kung maaaring matirahan ang isang bahay.  Tinatala ng mga inspektor ng FEMA ang mga nakita nilang pinsala, kasali na ang mga impormasyon na ibinigay ng aplikante, pero hindi sila ang nagpapasya kung elijibol ang aplikante para sa tulong para sa sakuna.
     
  • Ang inspektor ng FEMA ay bibisita sa isang bahay upang malaman ang pinsala sa bahay at personal na pag-aari ng aplikante dahil sa sakuna—kagaya ng mga muwebles, kasangkapan, sasakyan, at mga mahahalagang kagamitan para sa pang-araw-araw na kailangan ng tahanan.
     
  • Maaaring kunan ng litrato ng inspektor ng FEMA ang mga pinsala upang makatulong na maitala ang mga kawalan dahil sa pinsala na naging dahilan kung bakit ang bahay ng aplikante ay hindi maaaring matirahan, hindi ligtas, at hindi maaaring pasukin. Ngunit hindi pisikal na papasukin ng mga inspektor ng FEMA ang mga lugar na hindi ligtas na pasukin para sakanila
     
  • Para sa mga may-ari ng bahay, ang kakayahan ng bahay na matirahan ay base sa lahat ng naitalang pinsala na dahil sa sakuna. 
     
  • Para sa mga umuupa, ang determinasyon kung maaaring matirahan ang isang bahay ay base sa pinsala dahil sa sakuna na hindi pa nakukumpuni sa oras ng inspeksyon. Hindi responsibilidad ng mga umuupa ang pagpapakumpuni ng mga pinsala sa tirahan, kaya kung tapos na ang pagpapakumpuni o may nagaganap na pagkukumpuni, itatala ng inspektor ang kondisyon ng bahay sa oras ng inspeksyon. 
     
  • Para sa karagdagang impormasyon, pakitignan ang pahina ng FEMA na Gabay para sa Pag-iisa ng mga Programa para sa Indibidwal at Tahanan.  
     

###


 

 

Tags:
Huling na-update