TALLAHASSEE, Fla. – Pagkatapos ng pinsala, mas mabuting malaman ang mga potensyal na mga pandaraya o mga iskam. Ang mga ganitong pangyayari ay kaakit-akit sa mga kriminal at mga kon artist.
Kung naniniwala kang isa kang biktima ng iskam ng mga nangongontrata o sobrang pagtataas ng mga presyo o iba pang uri ng pandaraya, tawagan ang iyong lokal na pulisya at isumbong ito sa Opisina ng Attorney General ng Florida sa kanilang Hotline para sa Pandaraya sa 866-966-7226, ang FEMA Disaster Fraud Hotline sa 866-720-5721, mag-email sa: disaster@leo.gov o makipagusap sa Federal Trade Commission (FTC) sa www.ftc.gov/complaint.
Ito ay lista ng maaaring mga iskam na gagawin sa iba’t ibang county na apektado ng Bagyong Michael:
Mga Tawag sa Telepono
Kung makakatanggap ka ng tawag na nagsasabing maaari kang maging elijibol para sa programa na tulong para sa sakuna ng FEMA, hindi ka dapat magbigay ng personal na impormasyon. Hindi mo dapat ibigay ang iyong personal na impormasyon at impormasyon tungkol sa iyong akawnt sa banko gamit ang telepono. Kung ikaw ay tinawagan ng isang iskamer, tawagan ang iyon lokal na pulisya.
“Certified” ng FEMA
Minsan may mga tao na umiikot-ikot sa mga napinsalang bayan na may sayn sa kanilang sasakyan na nakasulat na “FEMA Certified Contractor” Hindi namimigay ng sertipikasyon o endorso ang FEMA sa mga kontraktor sa pribadong sektor. (Kailangan maging maingat ang mga indibidwal at mga ahensya ng gobyerno kapag nagbabayad ng mga kontraktor matapos ang anumang sakuna.)
Kung mayroon man tumawag na kontraktor na nagpapahayag na sila ay representatibo ng FEMA at ibinigay ng FEMA ang iyong pangalan, kunin mo ang lahat ng impormasyon na kaya mong kunin tungkol sa kontraktor tapos i-report mo siya sa lokal na ahensya ng pulisya.
May pumuntang inspektor sa iyong bahay na walang FEMA ID na may litrato
Huwag magpapasok ng sino man na nagsasabing inspektor sila ng FEMA pero wala silang FEMA ID na may litrato Laging hilingin na makita ang kanilang FEMA ID badj na may litrato. Ang damit o jaket na may FEMA ay hindi patunay ng katauhan. Lahat ng representatibo ng FEMA, kasali na ang mga inspektor na naka-kontrata sakanila, ay may ID na may litrato at nakalamineyt. Kung hindi sigurado, tumawah sa helplayn ng FEMA sa 800-621-3362 or TTY 800-462-7585.
May taong pumunta sa iyong bahay upang magsagawa ng inspeksyon ngunit humihingi ng bayad bago magsimula
Ang mga trabahador ng federal at estado ay hindi humihingi —o tumatanggap— ng pera. Ang mga representatibo ng FEMA ay hindi hihingi ng bayad para sa tulong para sa sakuna, maging sa inspeksyon ng bahay o tulong para sa pagsasagot ng aplikasyon. Maging maingat tuwing may nagbibigay ng hindi totoong pangako na pabilisin proseso ang insurans, tulong para sa sakuna o ng permiso para sa pagpapatayo ng gusali.
Pagbibigay ng Limos
Abeylabol ang lista ng mga katiwa-tiwalang charity na inaprubahan ng Alyansa ng Wais na Pagbibigay ng Better Business Bureau sa www.give.org. Ang payo ng Alyansa ay “huwag sumagot sa mga hindi inaasahang mga email, mag-ingat sa mga agresibong telemarketer at mag-ingat sa mga pekeng charity na parang tunay dahil gumagamit sila ng parehas na mga pangalan.”
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pag-iwas sa mga iskam tungkol sa pagbibigay sa charity, bumisita sa website ng Federal Trade Commission sa www.consumer.ftc.gov/features/scam-alerts
Lista ng mga Rentahan
May impormasyon ang Federal Trade Commission (FTC) kung paano isinasagawa ang mga iskam para sa mga lista ng mga rentahan. Halimbawa, alam ng mga iskamer na mahirap makahanap ng tamang apartment o upahan para sa bakasyon, at mahirap palampasin ang magandang deal. Marami pang impormasyon sa www.consumer.ftc.gov/articles/0079-rental-listing-scams.
Mga Nasirang Sasakyan
Isa pang pandaraya na nangyayari pagkatapos ng sakuna, ayon sa National Insurance Crime Bureau (NICB), ay ang pagbebenta ng sasakyan na nasira ng bagyo at binebenta bilang gamit na sasakyan na may magandang kondisyon. May online na programa ang NCIB na VINCheck na nagbibigay ng pagkakataon para sa mga bumibili ng sasakyan na makita kung ang isang sasakyan ay naideklarang “salvage” o total loss ng isang miyembro ng NICB na kasali sa programa. Ang mga insurer na nagrerepresenta sa 88 na porsyento ng market para sa personal na insurance para sa mga sasakyan ay namimigay ng salvage data para sa programa. Maaari mong makita ang VINCheck sa www.nicb.org/how-we-help/vincheck.
Pagpapakumpuni ng mga Utilidad
Ang mga kostumer ng utilidad, lalo na ang mga kostumer ng kuryente, ay dapat mag-ingat sa mga iskam na personal, sa telepono at online. Minsan nagkukunwari sila na empleyado ng kumpanya at humihingi ng madaliang bayad gamit ang credit card, nabayaran na debit card o gift card, at nagbabantang patayin and serbisyo sa iyong bahay o negosyo. Huwag ipamigay ang impormasyon ng credit card sa telepono maliban na lang kung sigurado ka sa katauhan ng tumatawag. Kung hindi ka sigurado, tawagan mo ang kompanya ng iyong utilidad.
Pagkokontrol ng Tsismis
Upang mawala ang mga maling tsismis na nasa internet at social media, gumawa ng web page ang FEMA upang masagot ang mga karaniwang mga tema. Upang makakuha ng tamang impormasyon galing sa mapagkakatiwalaang lugar bisitahin ang Pahina para Makontrol ang mga Tsismis para sa Bagyong Michael sa www.fema.gov/hurricane-michael-rumor-control.
###
Misyon ng FEMA: Tulongan ang mga mamamayan bago, habang, at pagkatapos ng mga sakuna.
Para sa lista ng mga tulong na abeylabol para sa mga indibidwala at mga negosyo na apektado ng Bagyong Michael, bumisita sa www.floridadisaster.org/info
Para sa impormasyon tungkol sa rekaberi para sa Bagyong Michael, bumisita sa www.fema.gov/tl/disaster/4399.
Sundin ang FEMA at ang Dibisyon ng Florida para sa Pamamahala ng Kagipitan sa Twitter sa @FEMARegion4 and @FLSERT. Maaari din bisitahin ang FEMA at ang mga Facebook peyg ng Dibisyon sa Facebook.com/FEMA and Facebook.com/FloridaSERT.