Halos $7 Bilyon sa Pederal na Suporta Tumutulong sa mga Floridian sa Renta, Pagkumpuni, Pansamantalang Pabahay, Debris, Pang-emerhensiyang Pagtugon, Ibang mga Gastos Pagkatapos ng Bagyong Ian

Release Date Release Number
DR-4673-FL NR-089
Release Date:
Marso 17, 2023

LAKE MARY, Fla. – Higit sa $6.97 bilyon sa pederal na suporta sa mga Floridian ang tumutulong sa mga sambahayan, komunidad, at sa estado ng Florida na makabangon mula sa Bagyong Ian.

Kabilang sa suporta ang $1.06 bilyon sa FEMA Individual Assistance para sa 384,477 sambahayan upang tumulong sa renta at mga pagkumpuni, $1.77 bilyon sa mababa ang interes na pautang sa sakuna mula sa U.S. Small Business Administration, $3.4 bilyon sa mga pagbabayad mula sa National Flood Insurance Program, at $738 milyon upang bayaran ang estado at lokal na pamahalaan para sa mga gastos sa pagtanggal ng labi at pang-emerhensiyang pagtugon.

Ang Pansamantalang Pabahay ay isang prayoridad at 709 pamilya ang binigyan ng mga susi sa mga trailer ng paglalakbay, mga yunit ng manufactured housing o mga apartment na ipinagkakaloob ng FEMA para sa mga dumanas ng bagyo. Higit pang mga tahanan ang inihahanda para sa pagtira. Higit sa 4,500 sambahayan ang tumigil sa mga silid ng hotel na ipinagkaloob ng FEMA. Ang karamihan ay nakatagpo ng mas matagal na matitirahan, may natitira pang 613 sa tirahan na pinopondohan ng FEMA.

Nagkakaloob ang FEMA ng mga pondo para sa mga tirahan na hindi sama-sama sa mga trailer ng paglalakbay.

“Ito ay isang napakalaking pagsisikap sa bahagi ng maraming pederal na ahensiya, tinutulungan ang estado sa pagtugon at pagbangon,” sabi ni Federal Coordinating Officer Tom McCool. “Bilang bahagi ng pang-emerhensiyang pagtugon, pinondohan namin ang mga pagpapatakbo upang ibalik ang kuryente, transportasyon, at access sa mga komunidad ng isla. Ang mga pederal na pangkat na medikal ay tumulong sa mga pasilidad ng medikal sa Lee County upang ipagpatuloy ang paggamot ng mga pasyente. Ang U.S. Coast Guard ay tumulong na dalhin ang mga panustos sa mga isla. Nang itanong ng estado kung makakabayad kami para sa mga trailer na ginagamit nila para sa mga nakaligtas, oo ang isinagot namin. Ginagawa namin ang lahat ng makakaya upang makatulong sa mga taong nangangailangan nito at mananatili kaming nagtatrabaho hanggang kailangan.”

Ang pag-alis ng mga debris sa mga lugar na pinakamahirap na tinamaan ay pinabilis nang pinahintulutan ng FEMA ang mga waiver sa proseso ng aplikasyon ng ilang lokal na hurisdiksyon, na nakakatipid ng hanggang anim na buwan sa proseso ng pagtanggal ng mga labi. Higit sa 32.3 milyon na cubic yard ng debris ang natanggal na, kabilang ang halos 12.4 milyon na cubic yard sa Lee County.

Sa $1.06 bilyon na ipinagkaloob sa mga sambahayan sa pamamagitan ng Individual Assistance, $449 milyon ang pumunta sa 97,878 na sambahayan sa Lee County.

Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa pagbangon ng Florida mula sa Bagyong Ian, bisitahin ang floridadisaster.org/info at fema.gov/disaster/4673. Sundan sa FEMA Rehiyon 4 (@femaregion4) / Twitter at sa facebook.com/fema.

Tags:
Huling na-update