BRANDON, Fla. – Ang FEMA at ang state of Florida ay magbubukas ng tatlong bagong mga Disaster Recovery Center sa Lee County.
Bukas ang bagong mga center sa Linggo, Nob. 6 sa mga lokasyong ito.
Beach Baptist Church
130 Connecticut St, Fort Myers Beach, Fl. 33931
Pine Island - Phillips Community Park
5675 Sesame Dr, Bokeelia, FL 33922
Sanibel Community Church
1740 Periwinkle Way, Sanibel, FL 33957
Ang mga oras para sa mga center ito ay magiging 8 a.m. hanggang 7 p.m. araw-araw.
Nagbibigay ang mga Sentro ng Pagbangon mula sa Sakuna (Disaster Recovery Center) sa mga nakaligtas sa sakuna ng impormasyon mula sa mga ahensya ng estado ng Florida, FEMA, at U.S. Small Business Administration (Pangasiwaan ng Maliit na Negosyo ng U.S.). Makakakuha ng tulong ang mga nakaligtas sa sakuna sa pag-aplay para sa tulong ng pederal at mga pautang sa kalamidad, mag-update ng mga aplikasyon at matuto tungkol sa iba pang magagamit na mapagkukunan.
Mayroong ilang mga Disaster Recovery Center na tumatakbo sa buong itinalagang mga county ng Florida. Para makahanap ng center na malapit sa iyo, mag-online sa: DRC Locator o floridadisaster.org, o mag-text DRC kasama ang iyong Zip Code sa 43362.
Sa ngayon, ang lahat ng mga sentro ay nagpapatakbo ng pitong araw sa isang linggo, ang mga oras ay maaaring mag-iba. Hindi kailangan ng appointment para makakuha ng tulong.
Hindi kailangang bumisita sa isang sentro para mag-aplay. Ang mga nakaligtas ay maaaring mag-online
sa disasterassistance.gov, gamitin ang FEMA mobile app o tumawag sa 800-621-3362. Bukas ang linya
araw-araw mula 7 a.m. hanggang 11 p.m. ET. Mayroong tulong sa halos lahat ng wika. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay, tulad ng video relay (video relay service, VRS), teleponong may caption, o iba pang serbisyo, ibigay sa FEMA ang numero para sa serbisyong iyon. Para makita ang isang accessible video tungkol sa kung paano mag-apply, bumisita sa: Three Ways to Register for FEMA Disaster Assistance - YouTube.
May mga serbisyo ng interpreter at mga isinaling materyal na makukuha sa mga center na ito para tulungan kang makipag-usap sa wikang pinakakomportable kang gamitin. Pinipili ang mga lokasyon ng Sentro ng Pagbangon mula sa Sakuna (Disaster Recovery Center) para sa kanilang pagiging madaling ma-access, na may layuning maabot ang mas maraming tao hanggang posible.
Bukod sa mga sentro, ang mga pangkat ng FEMA Tulong sa Nakaligtas sa Sakuna (Disaster Survivor Assistance, DSA) ay nagka-canvass sa mga kapitbahayan sa mga lugar na naapektuhan ng Hurricane Ian upang matulungan ang mga residente na mag-aplay para sa tulong ng FEMA at sagutin ang mga tanong tungkol sa pederal na tulong. Ang mga pangkat ng DSA ay nagsusuot ng FEMA attire at may mga badge ng pagkakakilanlan ng pederal na may larawan. Walang bayad para sa serbisyo.
Ang Indibidwal na Tulong ng FEMA ay maaaring makatulong sa mga pansamantalang gastusin sa tuluyan, pangunahing pagkukumpuni ng bahay at iba pang mahahalagang pangangailangan na may kaugnayan sa sakuna.