Sentro ng Pagbangon mula sa Sakuna Nagbubukas sa Pasco County

Release Date Release Number
040
Release Date:
October 30, 2022

Brandon, Fla. - Ang estado ng Florida at FEMA ay nagbukas ng karagdagang Sentro ng Pagbangon mula sa Sakuna (Disaster Recovery Center - DRC) sa Pasco County. Eto ang adres:

PASCO COUNTY

Mike Fasano Regional Hurricane Shelter

11611 Denton Ave.

Hudson, FL 34667

Oras: 8 a.m. hanggang 7 p.m. araw-araw

 

Nagbibigay ang mga Sentro ng Pagbangon mula sa Sakuna (Disaster Recovery Center) sa mga nakaligtas sa sakuna ng impormasyon mula sa mga ahensya ng estado ng Florida, FEMA, at U.S. Small Business Administration (Pangasiwaan ng Maliit na Negosyo ng U.S.). Makakakuha ng tulong ang mga nakaligtas sa sakuna sa pag-aplay para sa tulong ng pederal at mga pautang sa kalamidad, mag-update ng mga aplikasyon at matuto tungkol sa iba pang magagamit na mapagkukunan.

Mayroong ilang mga Sentro ng Pagbangon mula sa Sakuna (Disaster Recovery Center) na tumatakbo sa buong mga county na napinsala ng sakuna ng Florida. Para makahanap ng sentro na malapit sa iyo, mag-online sa: DRC Locator o floridadisaster.org, o maaari mong i-text ang DRC kasama ang iyong zip code sa 43362.

 

Sa kasalukuyan, ang lahat ng mga sentro ay nagpapatakbo ng pitong araw sa isang linggo, ang mga oras ay maaaring mag-iba ngunit nakalista online. Hindi kailangan ng appointment para makakuha ng tulong.

Hindi kailangang bumisita sa isang sentro para mag-aplay. Ang mga nakaligtas ay maaaring mag-online sa disasterassistance.gov, gamitin ang FEMA mobile app o tawagan ang FEMA Helpline sa 800-621-3362. Bukas ang linya araw-araw mula 7 a.m. hanggang 11 p.m. ET. Mayroong tulong sa halos lahat ng wika. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay, tulad ng video relay (video relay service, VRS), teleponong may caption, o iba pang serbisyo, ibigay sa FEMA ang numero para sa serbisyong iyon. Para makita ang isang accessible video tungkol sa kung paano mag-apply, bumisita sa: Three Ways to Register for FEMA Disaster Assistance - YouTube.

May mga serbisyo ng interpreter at mga isinaling materyal na makukuha sa mga center na ito para tulungan kang makipag-usap sa wikang pinakakomportable kang gamitin. Pinipili ang mga lokasyon ng Sentro ng Pagbangon mula sa Sakuna (Disaster Recovery Center) para sa kanilang pagiging madaling ma-access, na may layuning maabot ang mas maraming tao hanggang posible.

Bukod sa mga sentro, ang mga pangkat ng FEMA Tulong sa Nakaligtas sa Sakuna (Disaster Survivor Assistance, DSA) ay nagka-canvass sa mga kapitbahayan sa mga lugar na naapektuhan ng Hurricane Ian upang matulungan ang mga residente na mag-aplay para sa tulong ng FEMA at sagutin ang mga tanong tungkol sa pederal na tulong. Ang mga pangkat ng DSA ay nagsusuot ng FEMA attire at may mga badge ng pagkakakilanlan ng pederal na may larawan. Walang bayad para sa serbisyo.

Ang FEMA ay makakatulong sa mga pansamantalang gastusin sa tuluyan, pangunahing pagkukumpuni sa bahay at iba pang mahahalagang pangangailangang may kaugnayan sa sakuna.

Tags:
Huling na-update noong