Nag-isyu ang FEMA Abiso sa Publiko Para sa Florida

Release Date Release Number
021
Release Date:
October 12, 2022

TALLAHASSEE – Isang abiso sa publiko ang inilagay sa website ng FEMA na naglalarawan sa tulong ng FEMA at sa panukalang mga aksiyon na pinopondohan ng FEMA, kabilang ang mga aktibidad na maaaring makaapekto sa makasaysayang mga ari-arian, sa mga nanganganib maubos na specie, nanganganib na tirahan, o mga latian at binabahang kapatagan sa Florida.

Ang FEMA ay inaatasan ng batas na magbigay ng abiso sa publiko tungkol sa layunin nitong magbigay ng pederal na tulong at mga oportunidad para makakuha ng grant sa pamamagitan ng Public Assistance and Hazard Mitigation Grants na mga program ng ahensiya.

Tinutugunan ng abiso sa publiko ang layunin ng FEMA na i-reimburse ang mga kwalipikadong aplikante para sa gastos sa pag-aayos at pagpapalit ng mga pasilidad na sinira ng Hurricane Ian sa itinalagang mga county.

Ang abiso sa publiko ay inilagay sa: 4673-DR-FL-Public Notice 001 | FEMA.gov.

Maaaring ito lang ang ibinigay na abiso sa publiko tungkol dito sa mga aksiyon ng FEMA. Ang mga tanong ay dapat ipadala sa FEMA Region 4 EHP sa 3005 Chamblee Tucker Rd., Atlanta, GA 30341 sa pamamagitan ng email sa FEMA-R4EHP-FLORIDA@fema.dhs.gov, sa loob ng 30 araw mula sa abisong ito. Dapat kasama sa mga komento ang subject line na “DR 4673-FL EHAD”.

Tags:
Huling na-update noong