NEW YORK – Dinagdag ng FEMA ang Dutchess County sa Set. 5 na deklarasyon ng pederal na sakuna mula sa Bagyong Ida, dinadala sa siyam ang bilang ng mga county na kung saan ang mga residente ay maaari nang maging karapat-dapat mag-apply para sa tulong sa sakuna ng FEMA.
Ang mga residente ng mga county ng Bronx, Dutchess, Kings, Nassau, Queens, Richmond, Rockland, Suffolk at Westchester ay maaari nang mag-apply para sa Individual Assistance na programa ng FEMA. Ang huling araw ng pag-apply ay sa Lunes, Dis. 6. Ang mga nag-apply na noon ay hindi na kailangang mag-apply muli.
Tumama ang Bagyong Ida sa New York noong Set. 1-3. Ang mga may-ari ng tahanan at mga umuupa sa siyam na mga county na nakaranas ng pagkasira o kawalan bilang direktang resulta ng bagyo ay hinihikayat na mag-apply para sa tulong. Ang tulong sa sakuna ay maaaring may kasamang mga grant na makakatulong para magbayad ng pansamantalang pabahay at mga pangunahing pagpapaayos ng tahanan pati na rin ang iba pang mga seryosong pangangailangan na kaugnay ng sakuna tulad ng medikal at dental na gastusin.
Dapat kayong mag-apply sa FEMA kahit na kayo ay may seguro, ngunit dapat munang magsampa ng claim sa inyong tagabigay ng seguro. Ang FEMA ay nagbibigay ng tulong sa mga aplikante para sa kanilang mga gastusing dulot ng sakuna na walang seguro o kulang ang seguro at sa mga seryosong pangangailangan. Ang mga aplikante ay kailangang magsabi sa FEMA ng lahat ng saklaw ng seguro kasama ang pagbaha, pagmamay-ari ng tahanan at saksayan.
Ang mga aplikanteng may seguro ay dapat magbigay ng dokumentasyon na tumutukoy ng mga pag-aayos o benepisyo sa kanilang seguro bago isaalang-alang ng FEMA ang kanilang pagiging karapat-dapat para sa mga kategorya ng tulong na maaaring masakop ng mga pribadong seguro.
Para mag-apply ng tulong mula sa FEMA, bumisita sa DisasterAssistance.gov, gamitin ang FEMA mobile app o tumawag sa Linya ng Tulong ng FEMA sa 800-621-3362. Kung kayo ay gumagamit ng serbisyong video relay (VRS), serbisyong captioned telephone o iba pa, ibigay sa FEMA ang numero para sa serbisyong iyon. Ang mga operator sa Linya ng Tulong ay naroon mula 8 ng umaga hanggang 7 ng gabi araw-araw. Pindutin ang 2 para sa Espanyol. Pindutin ang 3 para sa isang tagapagsalin na nagsasalita ng inyong wika.
Maaari rin kayong bumisita sa isang Sentro ng Pagbawi sa Sakuna at makipagkita nang personal sa tauhan ng FEMA at mga kinatawan ng iba pang pederal at estadong ahensya na makakapagbigay ng impormasyon tungkol sa tulong sa sakuna. Para maghanap ng sentro ng pagbawi na malapit sa iyo, bumisita sa DRC Locator (fema.gov).
Para sa opisyal na impormasyon sa pagsisikap para sa pagbawi ng New York, bumisita sa fema.gov/disaster/4615. Sundan kami sa Twitter sa twitter.com/femaregion2 at facebook.com/fema.