Ang mga Kadalasang Tanong sa Kapisanan ng Maliliit na Negosyo sa Estados

Release Date Release Number
FS 004
Release Date:
February 25, 2019

T: Bakit ako, isang indibidwal, idinidirekta sa Kapisanan ng Maliliit na Negosyo sa Estados Unidos para sa aking mga kawalan dahil sa kalamidad ukol sa naganap na lindol sa Alaska?

S: Huwag kayong malito sa pangalan. Kapag may itinakdang kalamidad, ang SBA ay makakabigay ng pautang na pangmatagalan, at mababang tubo para sa mga may-ari ng bahay at umuupa na may kakulangan sa seguro, sa mga kalakalan na iba’t iba ang laki, at sa mga pribadong walang tubo na organisasyon.

 

Marami sa mga aplikanteng nakarehistro sa Ahensiyang Namamahala ng Emerhensyang Pederal (Federal Emergency Management Agency) ang sumasangguni rin sa SBA habang nagrerehistro para sa tulong sa kalamidad. Kung ikaw ay pumasa sa pamantayan ng kita sa SBA (SBA income criteria), kinakailangan mong kumpletuhin at isauli ang hiling sa pautang (loan application) upang siguraduhin ang pagpapatuloy ng proseso ng Pederal na Pagkakasauli dahil sa Kapahamakan (federal disaster recovery process).

 

T: Paano ko maisusumite ang aking hiling sa pautang sa SBA (SBA loan application)?

S: Maaaring makipagkita sa isang kinatawan ng SBA sa isang lunsurang pagkakasauli para sa negosyo (business recovery center) o sa kahit anong katambal na lunsurang pagkakasauli para sa kalamidad ng estado (joint FEMA-state disaster recovery centers) sa mga itinalagang lugar ng kalamidad.

 

SBA Business Recovery Center (Lunsurang Pagkakasauli para sa Negosyo)

Eagle River/Chugiak Parks and Recreation

12001 Business Blvd., Room 170

Eagle River, AK  99577

Oras: Lunes - Biyernes, 8 n.u. hanggang 4 n.h.

 

FEMA Disaster Recovery Centers (Lunsurang Pagkakasauli mula sa Kalamidad)

 

Community Covenant Church

16123 Artillery Road

Eagle River, AK 99577

Oras: Lunes hanggang Sabado, 9 n.u. hanggang 7 n.g.

Linggo, 10 n.u. to 2 n.h.

 

Christ First United Methodist Church

2635 S. Old Knik Rd.

Wasilla, AK 99654

Oras: Lunes hanggang Sabado, 9 n.u. to 7 n.g.

Linggo, 10 n.u. to 2 n.h.

 

Spenard Community Recreation Center

2020 West 48th Ave.

Anchorage, AK 99517

Oras: Lunes hanggang Biyernes, 10 n.u. to 7 n.g.

Sabado, tanghali hanggang 7 n.g.

Linggo, tanghali hanggang 4 n.g.

 

University of Alaska Annex

University Center Mall

3901 Old Seward Hwy.

Suite 153

Anchorage, AK 99503

Oras: Lunes hanggang Sabado, 9 n.u. to 7 n.g.

Linggo, 10 n.u. to 2 n.h.

 

Maaari rin kayong mag-aplay online sa https://disasterloan.sba.gov/ela/ o magpadala ng sulat sa Kapisanan ng Maliliit na Negosyo sa Estados:

 

U.S. Small Business Administration

Processing and Disbursement Center

14925 Kingsport Road

Fort Worth, TX  76155

 

T: Paano ba gamitin ang pautang ng SBA kasama ang aking seguro ng pagmamay-ari ng bahay (homeowner’s insurance)?

S: Huwag maghintay sa isang kasunduan (settlement) bago isumite ang hiling para sa pautang ng SBA sa kalamidad Maaaring tapusin ng SBA ang pautang at ibigay ang pera sa inyo bago matapos ang seguro ninyo. Ibabawas ng pinal na seguro ang natitirang balanse kung mayroon kayong matanggap. Maaaring sagutin ng tulong pangkalamidad ng SBA ang mga kawalan na hindi nasasakop ng seguro at iba pang pinanggagalingan.

 

T: Mangangailangan ba ako ng isa pang inspeksyon? Natapos na ng FEMA at ng estado ang mga inspeksyon.

S: Opo. Ang inspektor nag SBA ay magtatantiya ng kabuuang pagkasira at pagkawala ng inyong ari-ariang nasalanta ng kalamidad.

 

T: Magkano ang maaari kong hiramin mula sa SBA?

S: Maaaring humiram ang mga may-ari ng bahay hanggang dalawang daang libong dolyares ($200,000) para sa pagpapaayos ng istruktura ng pangunahing tirahan.

Maaaring makahiram ang mga may-ari ng bahay at mga umuupa ng hanggang apatnapung libong dolyares ($40,000) para ipagpalit ang pansariling ari-arian

kasama ang mga nasirang sasakyan mula sa kalamidad. Ang mga negosyo na may iba’t ibang laki ay makakahiram ng hanggang dalawang milyong dolyares ($2 million) para ipagawa/palitan ang nasirang ari-arian mula sa kalamidad. Maaari ring makahiram ang mga maliliit na negosyong pangingisda (akwakultura) at ang karamihan ng mga pribadong walang tubong organisyon para puhunan sa naidulot ng kalamidad. Kasama sa dalawang milyong dolyares ang pinsala sa ari-arian at pautang para sa puhunan.

 

T: Ano ang mangyayari kung hindi inaprubahan ang aking hiling na pautang mula sa SBA?

S:  Kung hindi inaprubahan ang isang aplikante sa pautang, maaaring magamit ang programa ng Tulong para sa Ibang Pangangailangan ng FEMA (Other Needs Assistance program), para sa mga bagay tulad ng pansariling ari-arian (halimbawa: damit, kasangkapan sa bahay), paglipat, imbakan, at pag-aayos ng mga sasakyan. Maaari ring tanggapin ang mga kagamitan ng binili o inarkila upang maging ligtas at malinis muli ang bahay pagkatapos ng lindol (halimbawa: chainsaw o lagaring de koryente, dehumidifier).

 

T: Ano ang mangyayari kung ako ay inaprubahan ng SBA sa pautang?

S:  Kung ang aplikante ay inaprubahan ng SBA, maaaring ibigay ang mga pautang na mababa ang interes, at abot-kaya ang pagbabayad upang matugunan ang mga pangangailangan ng aplikante at para sa pagpapaayos na hindi sakop ng tulong mula sa FEMA.

 

T: Paano kung inaprubahan ako ng SBA para sa pautang, pero hindi ko ito tinanggap?

S:  Kung napasyahan ninyong hindi tanggapin ang pautang ng SBA, hindi ka maaaring makatanggap ng karagdagang tulong pederal dahil sa kalamidad, ngunit maaari kayong idirekta sa lokal na mga boluntaryong ahensya para makakuha ng tulong.

 

Anuman ang maging kapasyahan ng SBA, maaaring makatanggap ng pondo ang mga aplikante mula sa Programa ng Tulong para sa Pabahay ng FEMA (Housing Assistance Program) kasama ang:

 

  • Pansamantalang Pabahay– May makukuhang tulong na pinansyal upang maka-upa para sa mga nawalan ng tirahan mula sa kalamidad hanggang labing walong buwan (18 months) o hanggang katapusan ng programa
  • Tulong sa Pagpapaayos – May makukuhang tulong na pinansyal ang mga may-ari ng bahay para sa pang-ayos sa napinsala ng kalamidad upang maging ligtas at malinis ito at upang magagamit muli ang napinsalang tirahan.
  • Tulong sa Kapalit – May makukuhang pederal na pinansyal na tulong ang mga may-ari ng bahay upang mapalitan nila ang kanilang tirahang nasira sa lindol

 

Gayundin, anuman ang maging kapasyahan ng SBA, maaaring makatanggap ng tulong pinansyal ang mga aplikante para sa mga gastusing gawa ng lindol sa Alaska tulad ng medikal, dental, pagpapaalaga sa bata, at/o pagpapalibing.

Tags:
Huling na-update noong