SACRAMENTO, Calif.– Kapag naganap ang mga likas na sakuna, karaniwang makakahanap ng mga taong nais samantalahin ang mga survivor sa pagpapanggap bilang opisyal na aid worker ng sakuna o bilang mga kamag-anak na sumusubok na tulungan ang mga survivor na makumpleto ang mga aplikasyon nila.
Hinihikayat n FEMA ang mga survivor na alamin ang panloloko at mga scam. Hinihikayat din ng FEMA ang mga survivor na iulat ang anumang mapanghinalang aktibidad o potensiyal na panloloko mula sa mga scam artist, mga nagnanakaw ng pagkakakilanlan at mga ibang kriminal.
Dapat ding malaman ng mga survivor na ang ganitong klaseng sitwasyon ay hindi lang nangyayari sa simula ng tugon sa sakuna kapag ang mga tao ay maaaring mas mahina. Maaari ito mangyari anumang oras. Mahalagang malaman na hindi ineendorso ng FEMA ang anumang mga komersyal na negosyo, mga produkto o serbisyo.
Mga mga residente sa Lake, Monterey, Napa, San Mateo, Santa Cruz, Solano, Sonoma at Yolo county ay kailangang kilalanin ang mga karaniwang taktika na ginamit ng mga kriminal na ito, tulad ng mga tawag sa telepono mula sa mga taong nagsasabi na nagtatrabaho sila para sa FEMA.
Maaaring hingin ng tumatawag ang Social Security number ng survivor at impormasyon sa kita o pagbabangko. Ang pamimigay ng ganitong klase ng impormasyon ay makakatulong sa masamang taong gumawa ng huwad na claim para sa tulong o gumawa ng pagnanakaw sa pagkakakilanlan.
Hinihikayat ng FEMA ang mga survivor at may-ari ng negosyong magmatyag sa mga karaniwang makalipas ang sakunang kasanayan sa panloloko:
Mga inspektor ng bahay na nagpapanggap na ikatawan ang FEMA.
- Mag-ingat kung may humingi ng iyong siyam na digit na numero ng pagpaparehistro. Hindi kailanman hihingin ng inspektor ng FEMA ang impormasyong ito. Nasa talaan na nila ito.
- Huwag ibigay kaninoman ang iyong impormasyon sa pagbabangko. Hindi kailanman inaatas ng mga inspektor ng FEMA ang pagbabangko o ibang personal na impormasyon tulad ng Social Security number.
Mga pekeng alok ng lokal o pederal na tulong.
- Huwag pagkatiwalaan ang sinumang humihingi ng pera. Ang mga pederal at lokal na trabahador sa sakuna ay hindi humihingi o tumatanggap ng pera. Ang kawani ng FEMA at ng U.S. Small Business Administration ay hindi kailanman sisingil sa mga aplikante para sa tulong sa sakuna, mga inspeksiyon o tulong sa pag-file ng mga aplikasyon.
- Huwag maniwala kaninomang nangangako ng gawad sa sakuna at humihingi ng malaking deposito ng pera o buong advance na bayad.
Mga mapanlinlang na kontratista ng gusali.
- Gumamit ng lisensiyado o napatotohanang lokal na kontratisya na sinusuportahan ng mga maaasahang sanggunian.
- Para makahanap ng mga lisensiyadong sertipikadong kontratista, magtanong sa Department of Consumer Affairs of California.
- Huwag magbayad ng mas marami sa kalahati ng mga gastos ng pagkukumpuni bago pa man.
- Ipilit na idetalye ng mga kontratista ang trabahong gagawin kasama ng mga garantiyang nakasulat.
Kung naghihinala ka sa panloloko, tumawag sa FEMA Disaster Fraud Hotline sa 866-720-5721.
###