Pag-apply sa Tulong sa Sakuna ng FEMA

Release Date Release Number
DR-4558-CA NR 001
Release Date:
Agosto 24, 2020

SACRAMENTO, Calif. – Kung naapektuhan ka ng mga patuloy na wildfire sa Lake, Monterey, Napa, San Mateo, Santa Cruz, Solano, Sonoma, at Yolo county, maaaring nararapat ka sa tulong mula sa Federal Emergency Management Agency (FEMA). 

Ang mga gawad ay maaaring makatulong sa mga nararapat na survivor sa tulong pinansiyal na kasama ang upa, pagkumpuni ng bahay, pagpalit ng bahay at ibang mga pangangailangang kaugnay ng sakuna tulad ng pag-aalaga sa bata, mga gastos sa medikal at dental.

Bago ka mag-apply, kontakin ang iyong kompanya ng insurance at mag-file ng claim para sa pinsalang dulot ng sakuna. Kumuha ng mga litrato o video ng pinsala at itago ang lahat ng resibong kaugnay ng pagkukumpuni ng bahay.

Kung mayroon kang uninsured o underinsured na kawalan, kontakin ang FEMA online sa disasterassistance.gov, i-download ang FEMA app at magrehistro sa iyong smartphone o tablet, o tumawag sa 800-621-3362 (TTY 800-462-7585).

Ihanda ang sumusunod na impormasyon:

  • Social Security Number
  • Impormasyon ng insurance policy
  • Address ng nasirang pangunahing tirahan
  • Paglalarawan ng dulot ng sakunang sira at kawalan
  • Kasalukuyang mailing address
  • Kasalukuyang numero ng telepono
  • Kabuuang taunang kita ng sambahayan
  • Numero ng pagruruta at account ng iyong checking o savings account (para sa direktang paglipat sa iyong bank account)

Matapos magrehistro, gumawa ng account para suriin ang katayuan ng iyong aplikasyon, tingnan ang mga mensahe mula sa FEMA, i-update ang personal mong impormasyon, at mag-upload ng mahahalagang dokumento.

Kung hindi mo ma-upload ang mga dokumento mo, ipadala ito sa koreo papunta sa FEMA sa P.O. Box 10055, Hyattsville, MD, 20782-8055 o i-fax ito sa 800-827-8112.

Kung may anumang mga tanong ka, mangyaring kontakin ang FEMA Helpline sa 800-621-3362 (TTY 800-462-7585). Para sa TTY tumawag sa 800-462-7585. Kung gumagamit ka ng 711 o Video Relay Service (VRS), mangyaring tumawag sa 800-621-3362.

MGA INSPEKSIYON

Sa panahon ng COVID-19, ang mga inspeksiyon ay gagawin sa pamamagitan ng telepono. Ang mga malayuang inspeksiyon ay maihahambing sa tradisyonal, na personal na inspeksiyon at mapapabilis ang tulong na makabawi, batay sa pagiging nararapat. Para sa mga layunin ng seguridad, patototohanan ng inspektor ang pagkakakilanlan mo sa pagtatanong ng ilang pangkuwalipikang tanong at bibigyan ka ng unang apat na digit ng aplikasyon mo para makumpleto ang pagpapatotoo.

Kung inulat mo na hindi ka ligtas na makakatira sa bahay niyo, kokontakin ka ng inspektor ng FEMA sa telepono at magtatanong tungkol sa klase at saklaw ng pinsalang nagkaroon. Ang mga survivor na kakaunti ang pinsalang makakatira pa sa mga bahay nila ay hindi awtomatikong ii-schedule para sa inspeksiyon ng bahay kapag nag-a-apply sa FEMA, pero kailangan pa rin nilang humiling ng inspeksiyon.

Ang mga malayuang inspeksiyon ay walang epekto sa mga klase ng Ibang Pangangailangang Tulong na makukuha na hindi kailangan ng inspeksiyon, kasama ang mga gawad para sa pag-aalaga ng anak, transportasyon, medikal, dental, panlibing na gastos, tulong sa paglipat at storage.

U.S. SMALL BUSINESS ADMINISTRATION

Nagtaguyod ang U.S. Small Business Administration (SBA) ng Virtual Disaster Loan Outreach Center para tulungan ang mga may-ari ng bahay at mga umuupa. Matutulungan ng mga kinatawan ng serbisyo para sa kostumer ang mga may-ari ng negosyo at mga indibiduwal na sagutin ang mga tanong tungkol sa disaster loan program ng SBA, ipaliwanag ang proseso ng aplikasyon at tulungan ang bawat taong kumpletuhin ang kanilang electronic na aplikasyon sa utang.

Virtual Business Recovery Center at Virtual Disaster Loan Outreach Center

Lunes – Biyernes

9:00 a.m. – 6:00 p.m.

FOCWAssistance@sba.gov

(916) 735-1500

Magagamit lang ang mga serbisyong ito para sa deklarasyon sa sakuna ng California bilang resulta ng mga wildfire na nagsimula noong Ago. 14, 2020, at hindi para sa kaugnay ng COVID-19 na tulong.

###

Related Links:
Tags:
Huling na-update