ANCHORAGE, Alaska – Maaaring makabigay ang FEMA ng tulong sa mga residente ng Alaska na walang seguro o kulang sa seguro para sa kanilang mga kawalan na naidulot ng lindol noong Nob. 30 kung nakatira sila sa mga itinalagang lugar at hindi kayang sakupin ng kanilang seguro para sa lindol ang lahat ng kanilang pangangailangan ukol sa sakuna.
Ang seguro ay ang unang linya ng depensa para sa isang nagmamay-ari, lalo na ang mga may-ari ng bahay sa munisipalidad ng Anchorage at Distritong Tangway ng Kenai (Kenai Peninsula Borough) at Tangway ng Mat-Su, na mga apektado ng lakas 7.0 na lindol.
Maaaring makatanggap ang mga aplikanteng may seguro ng mga kagamitan na hindi karaniwang sinasakop ng seguro para sa lindol tulad ng balon, pribadong imburnal (private septic systems) at/o pribadong pansariling mga daanan papunta sa kalsada. Ang mga aplikanteng may seguro na hindi pa nakakatanggap ng inspeksyon mula sa FEMA dahil mayroon silang seguro sa lindol ay hinihikayat na tumawag sa linya ng tulong ng FEMA sa 800-621-3362 (FEMA) para ipagbigay-alam ang pagkasira sa mga kasangkapang hindi kayang sakupin ng seguro upang makatanggap ng isang inspeksyon.
Sa ilalim ng batas, hindi pwedeng gawing pareho ng Ahensiyang Namamahala ng Emerhensyang Pederal (FEMA) ang seguro o ibang benepisyo. Ngunit, maaaring gamitin ang FEMA grant sa pagpapaayos ng mga pinayagang ayusing sira sa inyong tahanan. Maaari ring makatulong ang FEMA kung ang kabayaran mula sa seguro ay natagalan. Ang mga residente ng Alaska na nag-aplay sa FEMA ay dapat magbigay-abiso sa ahensiya at magbigay ng mga kasulantan ng kompanya ng seguro tulad ng sulat ng pagtanggi o sulat ng kasunduan, na siya ring magsisimula ng inspeksyon ng FEMA.
Kapag nagamit na nang buo ng nagmamay-ari ang nakuha sa kasunduan sa seguro para sa karagdangang panggastos sa pamumuhay (pagkawala dahil sa gamit), maaari ring magbigay ng tulong ang FEMA para sa pansamantalang pamamamahay dulot ng sakuna. Hindi nagbibigay ng tulong sa pagpapaayos ang FEMA sa mga umuupa.
Ang Kapisanan ng mga Maliliit na Negosyo sa Estados Unidos (U.S. Small Business Administration o SBA) ay nagbibigay ng mga pautang na mababa ang interes, at pangmatagalan para sa mga negosyong iba’t iba ang laki, mga pribadong walang tubong organisasyon, mga may-ari ng bahay, at mga umuupa na ipagawa o palitan ang mga walang seguro/kulang sa segurong ari-arian na nasira ng sakuna. Nagbibigay din ang SBA ng tulong sa pautang dulot ng sakuna para sa mga pambawas sa seguro (insurance deductibles.) Gayundin, kaya ng SBA na magproseso at mag-apruba ng mga pautang dulot ng sakuna habang nakabitin ang kahilingan sa seguro.
Maaaring humiling ang mga nagmamay-ari ng tulong mula sa FEMA online sa DisasterAssistance.gov, o tumawag sa 800-621-3362 (FEMA), voice/VP/711. Maaaring makausap ang operator ng ibang wika. Para sa gumagamit ng TTY, tumawag sa 800-462-7585. Bukas ang mga linya araw-araw mula 7 n.u. hanggang 10 n.g sa lokal na oras.
Hinihikayat ang mga residente na mag-aplay din sa programa ng Tulong Pang-Indibidwal ng Alaska maliban pa sa FEMA. Ang mga Taga-Alaska na hindi pa nakakarehistro para sa Tulong Pang-Indibidwal ng estado ay mayroong hanggang Peb. 28 para mag-aplay online sa Ready.Alaska.gov o tumawag sa 855-445-7131.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagkakasauli dulot ng kalamidad sa Alaska, bumisita sa FEMA.gov/tl/disaster/4413, Twitter.com/FEMARegion10 at Facebook.com/FEMA.