Anong Uri ng Tulong ang Maibibigay ng FEMA sa Mga Survivor ng Hurrican sa Florida?

Release Date:
Oktubre 1, 2022

Reimbursement sa Gastos sa Tirahan

Sa ilalim ng programa sa Indibidwal at Sambahayan ng FEMA, ang mga gastusin sa tirahan ay maaaring karapat-dapat para sa pag-reimbursement kung ang isang aplikante ay:

  • Pinatunayan ang paninirahan sa isang primary na residence sa loob ng itinalagang probinsya.
  • Pinatunayan na ang primary residence ay hindi maaaring matirhan o hindi maaaccess dahil sa Hurrican Ian.

Tulong sa Upa para sa Pansamantalang Pabahay

Maaaring magbigay ang FEMA ng renta, kabilang ang security deposit kung ang pangunahing tirahan ay naging hindi maaaring matirhan dahil sa bagyo. Kabilang sa tulong ang mga mahahalagang mga utilities tulad ng elektrisidad at tubig.

Malalaking Mga Pagkumpuni at Out-of-Pocket na Mga Gastos

Ang tulong ng Programa sa Mga Indibidwal at Sambahayan ng FEMA ay nilalayong matugunan ang mga pangkaraniwang pangangailangan ng iyong sambahayan, hindi upang maipanumbalik ang iyong tahanan at lahat ng iyong personal na mga ari-arian sa dati nitong kundisyon bago ang hurricane.

  • Saklaw ng “Tulong sa Pabahay” ang mga pagkumpuni sa mga istruktural na mga bahagi ng iyong bahay. Kabilang dito ang mga bintana, pinto, sahig, dingding, kisame, cabinet, heating ventilation at air-conditioning system, mga utility (elektrikal, tubero at mga gas system), at mga daanan papasok. Maaari ring i-reimburse ng FEMA ang para sa pagkumpuni o pagpapalit ng iyong pugon, balon at septic system.
  • Maaari ring mag-reimburse ang “Tulong sa Iba Pang Mga Pangangailangan” sa mga may-ari ng bahay at mga nangungupahan para sa mga hindi naka-insure o underinsured, mga gastos na may kinalaman sa hurricane tulad ng:
  • Mga gastos sa medikal at dental; mga gastos sa punerarya at pagpapalibing; pagkumpuni, paglilinis, o pamalit na damit; kagamitan sa bahay at mga appliances; specialized na mga tool na ginagamit mo sa iyong trabaho; mga materyales para sa edukasyon at paglipat, pag-imbak at iba pang mahahalagang mga gastos na may kinalaman sa aksyon para sa Hurricane Ian.
  • Ang iyong personal na sasakyan, nasirang mga kotse at trak dahil sa sakuna ay maaaring maging karapat-dapat para sa pagkumpuni o pagpapalit ng FEMA.
  • Maaari ring mai-reimburse ng FEMA ang mga aplikante na umupa o bumili ng mga generator para sa kanilang pangunahing bahay sa panahon ng pagkawala ng kuryente sanhi ng Hurrican Ian.

Mag-apply sa FEMA.

  • Upang maging karapat-dapat para sa anumang programa sa Indibidwal na Tulong ng FEMA, dapat kang mag-apply sa FEMA. Mag-apply sa online sa DisasterAssistance.gov, i-download ang APP ng FEMA para sa mga mobile device, o tumawag sa toll-free 800-621-3362.Kung gumamit ka ng  serbisyong relay, tulad ng video relay (VRS), na-caption na telepono o iba pang serbisyo, ibigay ang numero ng FEMA para sa serbisyong iyon.

 

Para sa maa-access na video kung paano mag-apply para sa tulong pumunta sa, youtube.com/watch?v= WZGpWI2RCNw.

Tags:
Huling na-update