Mga Tanong at Sagot Tungkol sa Direktang Pabahay sa Maui

Release Date:
January 30, 2024

Ang Stafford Act ang nagpapahintulot sa FEMA na magbigay ng direktang pansamantalang pabahay nang hanggang sa 18 buwan kapag ang mga kwalipikadong aplikante ay hindi makakuha ng pansamantalang pabahay dahil sa kakulangan ng available na mapagkukunan ng pabahay. Nasa ibaba ang mga sagot sa iyong mga madalas itanong tungkol sa pansamantalang pabahay.

 

T: Paano tinutukoy ng FEMA kung sino ang binibigyang priyoridad para sa pagtanggap ng pansamantalang unit ng pabahay?

S: Ang mga nakaligtas na makakumpleto ng kanilang aplikasyon sa FEMA at makapagbigay ng kinakailangang dokumentasyon na nagpapakita ng malaking pinsala sa kanilang pangunahing tirahan ay ilalagay sa listahan ng naghihintay. Ang ilang sitwasyon tulad ng mga nakaligtas na naninirahan sa mga pampublikong silungan, tent o iba pang hindi ligtas na pabahay ay karaniwang itinuturing na mga priyoridad na sitwasyon para sa pagtanggap ng pabahay ng FEMA.

 

T: Ang FEMA ay nagbibigay ng pabahay sa mga indibidwal at pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa mga wildfire nang hanggang sa 18 buwan. Ano ang mangyayari kung hindi ako makahanap ng permanenteng pabahay sa loob ng 18 buwan?

S: Kung matukoy ng FEMA, mga ahensya ng estado at lokal na opisyal na mayroong pangangailangan para sa patuloy na tulong na lampas sa paunang 18 buwang panahon, at sinunod mo ang lahat ng kinakailangan sa pagiging kwalipikado hanggang sa puntong iyon, maaari kang maging kwalipikado para sa buwan-buwan na pagpapalawig.

  • Upang manatiling kwalipikado, dapat mong sundin ang lahat ng kondisyon sa kasunduan sa paglilisensya, tulad ng pag-iingat sa unit, regular na pakikipagpulong sa iyong caseworker at, higit sa lahat, progreso tungo sa permanenteng plano sa pabahay.

 

T: Nakakaapekto ba ang pansamantalang pabahay sa iba pang tulong ng FEMA?

S: Hindi. Kung ikaw ay isang may-ari ng bahay, maaari ka ring maging kwalipikado na tumanggap ng tulong ng FEMA para sa mga pag-aayos ng bahay habang nananatili ka sa isang pansamantalang unit. Maaari ring maging kwalipikado ang mga may-ari ng bahay at nangungupahan para sa Tulong ng FEMA sa Iba pang Pangangailangan tulad ng gastos na pang-medikal at gastos para sa ngipin na nauugnay sa wildfire, pangangalaga sa bata, pinsala sa sasakyan, paglilipat at pagtatago ng gamit, mga gastos sa libing at pag-aayos o pagpapalit ng mahahalagang personal na propyedad.

 

T: Puwede ba akong tumanggap ng kasama magdamag sa aking unit ng pabahay, pahintulutan ang iba na tumira sa unit o paupahan ang kwarto sa aking unit?

S: Maaari kang magkaroon ng kasama, ngunit hindi mo puwedeng paupahan ang bahagi ng iyong unit para sa pinansyal na pakinabang. Kung ang isang miyembro ng pamilya ay kailangang lumipat sa tinutuluyan mo, dapat kang makipag-ugnayan sa iyong caseworker upang baguhin ang mga kondisyon ng iyong kontrata. Kung ang isang taong nakatira sa iyong unit ay nanganak, itinuturing ng FEMA ang sanggol bilang karagdagang residente.

 

T: Puwede ba akong magsama ng mga alagang hayop sa unit?

S: Oo. Mangyaring ipaalam sa iyong caseworker ang bilang at mga uri ng alagang hayop na bahagi ng iyong sambahayan. Itutugma ka ng FEMA sa isang unit ng Direktang Pag-upa na mainam para sa mga alagang hayop.

 

T: Mayroon ba akong puwedeng gawin para mas mapabilis ang proseso?

S: Oo. Kinakailangan sa programang Direktang Pag-upa na magsumite ka ng impormasyon para sa background check. Mangyaring makipagtulungan sa mga kompanyang nangangasiwa ng propyedad upang makumpleto ito ayon sa nakatakdang panahon.

 

T: Mayroon ba akong puwedeng gawin para mas mapabilis ang proseso?

S: Puwedeng mapabilis ng mga nakaligtas ang proseso sa pamamagitan ng pagiging available kapag tinawagan. Sa ganoong paraan, makakakuha ang FEMA ng mga sagot sa mga tanong o makakapagbigay ng impormasyong magtitiyak na maililipat sila sa isang unit sa lalong madaling panahon.

 

Para makipag-ugnayan sa FEMA, bisitahin ang DisasterAssistance.gov I-click ang berdeng button na ‘Tingnan ang Katayuan’ upang gumawa ng online na account. Gamitin ang parehong email na ibinigay mo noong nag-apply ka para sa tulong. Kung nag-apply ka para sa tulong online o sa pamamagitan ng FEMA app, mayroon ka nang account sa tulong sa sakuna.

 

Maaari mo ring tawagan ang Helpline ng FEMA sa 800-621-3362. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng video relay, serbisyo ng teleponong may caption o iba pa, tandaang ibigay sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon. Ang mga operator ng helpline ay nakakapagsalita ng maraming wika at ang mga linya ay bukas mula 2 a.m. hanggang 9 p.m., pitong araw sa isang linggo. Pindutin ang 2 para sa Espanyol. Pindutin ang 3 para sa isang interpreter na nakakapagsalita ng iyong wika.

 

Maaari mo ring bisitahin ang Center para sa Pagbangon mula sa Sakuna (Disaster Recovery Center) sa Lahaina Civic Center Gymnasium, 1840 Honoapi‘ilani Highway sa Lahaina.

 

Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa mga pagsisikap para sa pagbangon mula sa wildfire sa Maui, bisitahin ang mauicounty.gov, mauirecovers.org, fema.gov/disaster/4724 at Hawaii Wildfires - YouTube. I-follow ang FEMA sa social media: @FEMARegion9 at facebook.com/fema. Maaari mo ring makuha ang impormasyon sa tulong sa sakuna at i-download ang mga aplikasyon sa sba.gov/hawaii-wildfires.

Tags:
Huling na-update noong