Pribadong Pag-aari na Kalsada at Tulay

Release Date:
Setyembre 18, 2023

Kung ikaw ay nakatira sa county ng Citrus, Columbia, Dixie, Gilchrist, Hamilton, Hernando, Jefferson, Lafayette, Levy, Madison, Manatee, Pasco, Pinellas, Sarasota, Suwannee o Taylor at ang iyong pribadong-pag-aari na kalsada o tulay ay nasira o nawasak ng Bagyong Idalia, ang FEMA o ang Small Business Administration (SBA o Administrasyon ng Maliliit na Negosyo) sa Estados Unidos ay maaaring magbigay ng tulong pinansyal para sa kapalit o pagpapagawa.

Tulong pang-Indibidwal 

Ang mga gawad ng Programa pang-Indibidwal at Sambahayan ng FEMA ay maaaring gamitin para magpagawa ng pribadong-pag-aari na kalsadang daanan at tulay na nasira dulot ng sakuna. Para maging kwalipikado, ang nakaligtas ay tapat tumugon sa lahat ng panimulang pamantayan sa pagiging karapat-dapat para sa Programa pang-Indibidwal at Sambahayan. Sila rin ay dapat may-ari ng bahay at ang bahay ay dapat ginagamit bilang pangunahing tirahan.

 Ang inspeksyon ng FEMA ay kinakailangan upang matiyak kung kinakailangan ang pagpapagawa para kayang mapuntahan ng isang sasakyan ang pag-aari. Bilang karagdagan, dapat matugunan ng aplikante ang kahit isa sa mga sumusunod na kundisyon:

  • Ang kalsada at/o tulay ay ang tanging access pag-aari.
  • Walang may kayang makapunta sa bahay dahil sa nasirang imprastraktura.
  • Ang kaligtasan ng mga nakatira ay maaaring lubhang maapektuhan dahil ang mga sasakyan ng serbisyong pang-emerhensya, tulad ng ambulansya o trak ng bumbero, ay hindi kayang makapunta sa tirahan. Subalit, isasaalang-alang lang ito kung mayroong access bago dumating ang sakuna. 

Kapag maraming sambahayan ay nagbabahagi ng isang pribadong-pag-aari na rutang access, ang tulong ay ibinabahagi sa mga aplikante, na kinakailangan ang karagdagang koordinasyon at dokumentasyon sa pagitan ng FEMA at ang bawat aplikante.

Para mag-apply, pumunta online sa DisasterAssistance.gov, i-download ang FEMA App para sa mga aparatong mobile, bumisita sa isang Sentro ng Pagbawi sa Sakuna o tumawag ng libreng-toll sa 800-621-3362. Bukas ang linya araw-araw mula 7 n.u. hanggang 11 n.g. ET. Ang tulong ay magagamit sa karamihan ng mga wika. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay tulad ng VRS (Serbisyo ng Relay sa Bidyo), naka-caption na serbisyo ng telepono o iba pa, ibigay mo sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon. Ang huling araw para mag-apply ay Oktubre 30, 2023. 

Ang mga Pautang sa Sakuna ng U.S. Small Business Administration (SBA) 

Ang Small Business Administration (Administrasyon ng Maliliit na Negosyo) ng Estados Unidos, ang pederal na kasangga ng FEMA sa pagbawi sa sakuna, ay maaari ring makatulong. Ang mga negosyo, walang-kitang mga organisasyon (kabilang ang mga asosasyon) at may-ari ng bahay ay maaaring maging kwalipikado para sa mababang-interes na pautang sa sakuna para magpagawa o pumalit ng mga pagpapabuti sa lupa na hindi sakop ng seguro. Itong mga pagpapabuti ay kinabibilangan ng: isang pribadong kalsada o tulay na kinakailangan para ma-access ang pag-aari, mapagawa ang mga pader na pumipigil sa lupa at tubig, atbp. Ang mga may-ari ng bahay na nagbabahagi ng mga pribadong pang-access na kalsada at tulay sa ibang mga may-ari ng bahay ay maaari ring maging kwalipikado sa mga pautang sa sakuna ng SBA.

Ang mga negosyo ay maaaring mag- apply nang direkta sa ligtas na website ng SBA sa disasterloanassistance.sba.gov/ela/s/. Ang mga may-ari ng bahay at umuupa ay dapat munang mag-apply sa FEMA. Upang makakuha ng karagdagang impormasyon tumawag sa 800-659-2955 o magpadala ng email sa DisasterCustomerService@sba.gov.

Tags:
Huling na-update