Mga Team ng Tulong para sa mga Nakaligtas sa Kalamidad: Pakikipagkita sa mga Nakaligtas Kung Nasaan Sila.

Release Number:
FS 004
Release Date:
Enero 23, 2025

Nasa Los Angeles County ang mga Team ng Tulong para sa mga Nakaligtas sa Kalamidad (Disaster Survivor Assistance Teams, DSAT) upang suportahan ang mga nakaligtas sa wldfire sa pamamagitan ng pagpaparehistro sa kanila para sa tulong, pagtukoy ng agarang pangangailangan, pagbibigay ng mga update sa aplikasyon, at pagbibigay ng mga rekomendasyon sa karagdagang mapagkukunan ng komunidad.

Mga Team ng Tulong para sa mga Nakaligtas sa Kalamidad

 

Graphic
Family and FEMA staff standing in front of a house

Ang DSAT ay mga pangkat na pumupunta sa mga komunidad ilang araw, minsan ilang oras lamang, matapos ang isang kalamidad. Madalas silang naglalakad sa mga apektadong lugar o nagpupulong sa maliliit na grupo sa pasilidad ng pamayanan.

Sila ang mga mata, tainga, at kung minsan ang boses ng FEMA kapag bumisita sila sa mga apektadong komunidad. Handa silang tumulong sa mga residente na mag-aplay para sa tulong, kahit sa pinakamahirap na kalagayan.

Kasama sa misyon ng DSA ang pagtatasa at pag-uulat ng mahahalaga at umuusbong na pangangailangan sa pamunuan ng FEMA para sa paggawa ng desisyon. Kabilang sa kanilang mga tungkulin ang:

  • Nagbibigay ng on-site na gabay sa mga nakaligtas tungkol sa proseso ng aplikasyon, at isang pangkalahatang-ideya ng tulong sa kalamidad ng FEMA.
  • Pagrepaso sa mga aplikasyon ng mga nakaligtas, pagbibigay ng pangunahing impormasyon tungkol sa katayuan ng aplikasyon at pagkolekta ng bagong impormasyon o mga dokumento para sa mga file ng kaso.
  • Pakikipag-ugnayan sa mga nakaligtas sa kalamidad at lokal na opisyal upang matukoy ang agarang hindi natutugunang pangangailangan na maaaring makatulong ang FEMA o mga katuwang na ahensya.
  • Pagsuporta sa pag-abot sa komunidad at pakikipagtulungan sa mga lokal, estado, tribo, o teritoryal na tagapamahala ng emerhensiya, mga katuwang para sa mga may kapansanan, pribadong sektor, boluntaryong ahensya, at mga organisasyong batay sa pananampalataya upang palaganapin ang kultura ng pakikipagtulungan para sa pagsuporta sa mga nakaligtas.

 

 

 

 

 

 

Tags:
Huling na-update