Muling Sertipikasyon ng Direktang Tulong sa Pabahay

Release Date:
Enero 12, 2024

Ang muling sertipikasyon ay isang proseso na ginagamit ng FEMA upang muling suriin ang pagiging karapat-dapat ng mga naninirahan sa Direktang Pabahay sa pamamagitan ng buwanang pagbisita. Nakakatulong ito upang hikayatin ang mga naninirahan na tuparin ang kanilang Permanenteng Plano sa Pabahay. 

Patuloy na naglalabas ang pangkat ng direktang pabahay ng FEMA ng mga gawa na yunit ng pabahay at trailer na pambiyahe para sa mga karapat-dapat na nakaligtas sa Bagyong Idalia sa Florida. Maraming mga yunit ang “lisensyado sa”, na nangangahulugang binigyan ang mga pamilya ng mga susi at kinuha ang mga yunit ng pabahay na ito. Kinakailangan ng FEMA na ang lahat ng mga naninirahan ng pansamantalang direktang yunit ng pabahay na aktibong lumahok sa proseso ng muling sertipikasyon. 

Pagtatatag ng Isang Permanenteng Plano

Hinihiling ng FEMA ang pangunahing naninirahan ng Nalilipat na Pansamantalang Yunit ng Pabahay (kabilang ang isang gawa na yunit ng pabahay at trailer na pambiyahe) na magtatag ng makatotohanang  PHP (Permanent Housing Plan o Permanenteng Plano sa Pabahay) para sa kanilang sambahayan nang hindi lalampas sa unang muling sertipikasyon. Ang isang katanggap-tanggap na PHP ay maaaring magpakita ng isa sa mga sumusunod: 

  • Maaaring ayusin o muling itayo ng may-ari bago ang sakuna ang paninirahan bago ang sakuna.
  • Maaaring bumili ng bagong tirahan ang isang may-ari bago ang sakuna.
  • Ang isang may-ari o umuupa bago ng sakuna ay maaaring makahanap at magrenta ng magagamit na yunit na mauupahan.

Gawing Makatotohanan at Makakamit ang Iyong PHP 

Bilang pangunahing naninirahan ng TTHU (Transportable Temporary Housing Unit o Nalilipat na Pansamantalang Yunit ng Pabahay), regular na susuriin ng FEMA ang iyong permanenteng plano sa pabahay upang matiyak na makatotohanan at makakamit ang plano sa loob ng panahon ng tulong. Ang isang PHP ay makatotohanan at makakamit kapag ikaw ay:

  • magpakita ng sapat na mapagkukunan sa pananalapi o iba pang mahusay na paraan para makamit ang PHP sa loob ng panahon ng tulong. Kasama sa sapat na mapagkukunan ang mga mapapatunayan na pondo o pangako ng tulong na hindi pinansyal, tulad ng boluntaryong paggawa; at
  • magpapakita ng nakatalang pag-unlad patungo sa PHP (hal., nakuha na mga permit, kontrata para sa pag-aayos).

Ang Pakikipag-ugnayan sa Iyong Tagapayo sa Muling Sertipikasyon 

Ang isang tagapayo ng muling sertipikasyon ay may mahalagang papel sa proseso ng muling sertipikasyon sa pamamagitan ng paggabay sa iyo sa iyong pagbawi, pagsusuri sa Lisensya na Maaaring Bawiin o Pansamantalang Kasunduan sa Pabahay kung kinakailangan, at paghahatid ng mahahalagang mensahe ng FEMA sa iyo. 

Makikipagtulungan sa iyo ang tagapayo ng muling sertipikasyon upang makilala ang mga potensyal na hindi natutugunan na pangangailangan sa pamamagitan ng pagtalakay sa iyong pinansyal na katayuan, katayuan sa pag-aayos ng pabahay o pagtatayo, at pangmatagalang layunin sa pabahay. Pagkatapos ng pagbisita, makikipag-ugnayan ang tagapayo ng muling sertipikasyon sa iba pang mga kasosyo sa pagbawi upang matukoy kung aling mga pangangailangan ang maaaring matupad ng mga gawad ng FEMA o alternatibong mapagkukunan. Pagkatapos ay muling makikiapag-ugnayan sa iyo ang tagapayo ng muling sertipikasyon upang makagawa ng desisyon sa mga susunod na hakbang. 

Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa pagbawi ng Florida mula sa Bagyong Idalia, bisitahin ang floridadisaster.org/updates/ at fema.gov/disaster/4734. Sundan ang FEMA sa X na dating kilala bilang Twitter sa twitter.com/femaregion4 at sa facebook.com/fema.

Tags:
Huling na-update