Ang mga residente ng Florida na may mga labi (debris) ng mga bagay na nilikha ng Hurricane Ian ay dapat sumunod sa mga tagubilin mula sa mga lokal na opisyal tungkol sa pag-uuri ng mga materyales at paglalagay sa gilid ng bangketa para sa koleksyon.
Paghihiwalay ng mga Labi (Debris)
Madalas na hinihiling ng mga lokal na residente na ayusin ang mga labi sa iba't ibang kategorya.
- Mga Elektronika. Mga halimbawa: telebisyon, computer, kagamitan sa audio, telepono, DVD player
- Mapanganib na Basura. Mga halimbawa: langis, baterya, pestisidyo, solusyong panlinis, gas na nasa silindro (compressed), mga pintura. (Tandaan: Kung naghihinala ka na ang mga materyales ay naglalaman ng lead-based na pintura, panatilihing basa ang mga ito o ilagay ang mga materyales sa mga plastic bag para ang pintura ay hindi madala o ilipad ng hangin.)
- Mga Labi (Debris) ng Konstruksyon at Demolisyon Mga halimbawa: tabla, bubong, at iba pang mga estruktural na labi na ikinalat ng bagyo
- Basura ng Bahay. Mga halimbawa: basurang naka-sako, itinapong pagkain, papel, mga pinagbalutan o packaging
- Malalaking Kasangkapan/Appliances/puting kalakal. Mga halimbawa: refrigerator, washer/dryer, air conditioner, kalan, painitan ng tubig, makina sa paghuhugas ng plato (dishwasher). (Tandaan: Huwag iwanan ang mga pinto nang hindi ligtas o hindi nakakandado/selyado.)
- Mga Labi ng Kahoy at Halaman. Mga halimbawa: mga puno, sanga ng puno, troso, halaman, dahon
Huwag maglagay ng mga labi (debris) sa o malapit sa mga bumagsak na linya ng kuryente o malapit sa mga utility box.
Koleksyon
Sasabihin sa iyo ng mga lokal na opisyal kung ano ang awtorisado at hindi awtorisadong kunin sa malapit sa pampublikong daanan (right-of-way) pati na rin kung paano ito ilagay doon. Ang mga labi ay hindi dapat nakaharang sa daanan.
Ang paglalagay ng mga labi sa malapit o sa mga puno, poste o iba pang istruktura ay nagpapahirap sa pag-alis ng mga ito. Kabilang dito ang mga fire hydrant at metro.
Mga Labi ng Demolisyon, Pag-aayos at Rekonstruksyon
Kasama sa mga halimbawa ang mga materyales sa gusali, drywall, tabla, karpet, kasangkapan at mga instalasyon ng tubo. Ang demolisyon, pagsasaayos o pagkukumpuni at rekonstruksyon ng isang kontratista na inupahan ng may-ari ng property ay karaniwang kinabibilangan ng pag-alis at pagtatapon ng mga naturang labing materyales.