Mga Sirang Balon ng Tubig at Septic System

Release Date:
Oktubre 14, 2022

Ang mga residente ng Brevard, Charlotte, Collier, DeSoto, Flagler, Hardee, Hendry, Highlands, Hillsborough, Lake, Lee, Manatee, Monroe, Okeechobee, Orange, Osceola, Palm Beach, Pinellas, Polk, Putnam, St. Johns, Sarasota, Seminole, at Volusia county na nawalan ng access sa tubig sa pamamagitan ng pribadong balon ng tubig o nasira ang septic system bilang resulta ng Hurricane Ian ay maaaring maging kwalipikado para sa tulong ng FEMA.

Anong tulong ang available?

Para sa mga pribadong balon at septic system, puwedeng i-reimburse ng FEMA para sa pagbabayad sa propesyonal at lisensyadong technician para pumunta sa iyong bahay at maghanda ng estimate na nagdedetalye sa mga kinakailangang pagkukumpuni o pagpapalit ng iyong mga system na nasira ng sakuna.

Bilang karagdagan sa estimate ng technician, puwede ring magbayad ang FEMA para sa gastos sa aktwal na pagkukumpuni o pagpapalit ng iyong septic system o pribadong balon ng tubig, na karaniwang hindi sakop ng insurance ng may-ari ng bahay.

Kung nag-apply ka para sa tulong ng FEMA at naghihintay pa rin ng mag-iinspeksyon sa iyong bahay, dapat kang tumawag sa Helpline ng FEMA sa 800-621-3362. Sa oras ng inspeksyon, ipaalam sa inspektor ng FEMA na mayroon kang pribadong balon ng tubig at/o septic system na maaaring nasira ng bagyo.

Kung mapatunayang dulot ng Hurricane Ian ang sira, maaaring kwalipikado ka para sa tulong ng FEMA.

Kung tapos na ang pag-inspeksyon at hindi naiulat ang sira sa balon ng tubig o septic system, tumawag sa Helpline ng FEMA para malaman kung paano babaguhin ang iyong aplikasyon.

Maaaring mag-apply ang mga nakaligtas para sa tulong ng FEMA online sa pamamagitan ng pagbisita sa disasterassistance.gov, pagtawag sa Helpline ng FEMA sa 800-621-3362, o sa paggamit sa FEMA mobile app. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay, tulad ng serbisyo ng video relay (video relay service o VRS), teleponong may caption, o iba pang serbisyo, ibigay sa FEMA ang numero para sa serbisyong iyon.

Tags:
Huling na-update