Balita at Media: Sakuna 4728

Mga Press Release at Mga Fact Sheet

30

Ang mga Disaster Recovery Center (DRC o Sentro ng Pagbawi sa Sakuna) sa Maywood at Harvey ay permanenteng magsasara ng kanilang pinto sa katapusan nitong linggo. Ang mga residente ng Cook County na nagtamo ng pagkawala sa panahon ng bagyo at pagbaha noong Hunyo 29 – Hulyo 2 at nangangailangan pa rin ng tulong sa personal ay makakahanap ng ibang sentro sa Tagahanap ng Pagbawi sa Sakuna ng FEMA.
illustration of page of paper Mga Press Release |
Ang huling araw para mag-apply para sa pederal na tulong mula sa Federal Emergency Management Agency (FEMA o Pederal na Ahensya ng Pangangasiwa ng Emerhensya) ay Oktubre 30 kung ikaw ay nagtamo ng pagkawala mula sa pagbaha at bagyo na humagupit sa estado noong Hunyo 29 – Hulyo 2.
illustration of page of paper Mga Press Release |
Dalawang Sentro ng Pagbawi sa Sakuna ang nakatakdang magbukas sa publiko sa Lunes, ika-23 ng Oktubre, 2023. Ang mga sentro na sama-samang pinapatakbo ng Federal Emergency Management Agency (FEMA o Ahensya ng Pangangasiwa ng Pederal na Emerhensya) at ng Estado ng Illinois, ay bibigyan ng mga pampederal at pang-estadong opisyal bilang mga tauhan na nakahandang tumulong sa mga nakaligtas sa kanilang pagbawi mula sa bagyo at pagbaha noong Hunyo 29 - Hulyo 2.
illustration of page of paper Mga Press Release |
Interesado ka bang tulungan ang iyong kapitbahay at komunidad na makabawi mula sa bagyo at pagbaha na nagwasak ng Cook County noong Hunyo 29- Hulyo 2? Ang Federal Emergency Management Agency (FEMA o Ahensya na Tagapangasiwa ng Pederal na Emerhensya) ay may agarang pangangailangan na kumuha ng mga residente ng Cook County para magtrabaho sa mga opisina sa Springfield at Morton Grove, IL bilang pansamantalang lokal na hire na tutulong sa pagtugon sa sakuna at mga pagsisikap sa pagbawi. Ang mga lokal na hire na empleyado ay mga lokal na residente na bahagi ng pangkat ng pagbawi sa sakuna na tumutulong sa pagbawi ng komunidad at ng kanilang kapwa mamamayan.
illustration of page of paper Mga Press Release |
Ang pederal na tulong sa mga residente ng Cook County na naapektuhan ng matinding bagyo at pagbaha noong Hunyo 29 – Hulyo 2 ay lumagpas na ng $304 milyon. Itong halaga ay kinabibilangan ng mga gawad ng FEMA na higit sa $235 milyon sa mga Pang-Indibidwal at Pansambahayan na gawad para sa tulong sa pag-upa, pondo sa pagpapagawa at pagpalit, at gawad para sa iba pang pangangailangan na tumutulong sa pagpalit ng personal na pag-aari at pagbibigay ng kabayaran sa imbakan at pangangalaga ng bata. Ang pagpupuno sa gawad ng FEMA ay higit sa $69 milyon sa mababang-interes na pautang sa sakuna ng Small Business Administration (SBA o Administrasyon ng Maliliit na Negosyo) para sa mga may-ari ng bahay at negosyo.
illustration of page of paper Mga Press Release |

Mga PDF, Graphics at Multimedia

View the Disaster Multimedia Toolkit for social media and video content to help communicate about general disaster recovery.

Walang mga file ang nai-tag sa sakunang ito.