Tumatanggap pa rin ang FEMA para sa Pangkat ng Pagbawi sa Sakuna sa Illinois

Release Date Release Number
NR-027
Release Date:
October 19, 2023

CHICAGO - Interesado ka bang tulungan ang iyong kapitbahay at komunidad na makabawi mula sa bagyo at pagbaha na nagwasak ng Cook County noong Hunyo 29- Hulyo 2? Ang Federal Emergency Management Agency (FEMA o Ahensya na Tagapangasiwa ng Pederal na Emerhensya) ay may agarang pangangailangan na kumuha ng mga residente ng Cook County para magtrabaho sa mga opisina sa Springfield at Morton Grove, IL bilang pansamantalang lokal na hire na tutulong sa pagtugon sa sakuna at mga pagsisikap sa pagbawi. Ang mga lokal na hire na empleyado ay mga lokal na residente na bahagi ng pangkat ng pagbawi sa sakuna na tumutulong sa pagbawi ng komunidad at ng kanilang kapwa mamamayan. 

Para sa mga opisina nito sa Morton Grove, ang FEMA ay naghahanap ng isang Espesyalista ng Accountable Property (Mapanagutang Ari-arian), dalawang Espesyalista sa Impormasyong Teknolohiya, isang External Affairs Program Liaison specialist (Espesyalista sa Programa ng Pag-uugnayan sa Panlabas na Gawain) at isang Espesyalistang Malikhain sa Panlabas na Gawain. Para sa mga opisina nito sa Springfield offices, ang FEMA ay nangangailangan ng Dalawang Espesyalista sa Impormasyong Teknolohiya at isang Espesyalista sa Mapanagutang Ari-arian. Bisitahin ang mga link para sa karagdagang impormasyon, kabilang ang mga responsibilidad sa trabaho at kabayaran:

Espesyalista sa Impormasyong Teknolohiyahttps://www.usajobs.gov/job/754587500 Huling Araw: 10/22/2023
Espesyalista sa Mapanagutang Ari-arianhttps://www.usajobs.gov/job/754741300  Huling Araw: 10/23/2023
Espesyalista sa Programa ng Pag-uugnayan sa Panlabas na Gawain https://www.usajobs.gov/job/755029100 Huling Araw: 10/24/2023
Espesyalistang Malikhain sa Panlabas na Gawainhttps://www.usajobs.gov/job/755026200 Huling Araw: 10/23/2023

Magsasara ang anunsyo sa 11:59 n.g. Eastern Standard Time (EST o Silangang Pamantayang Oras) sa mga nabanggit na petsa ng huling araw O sa 11:59 n.g. EST sa araw natanggap ang limitasyon ng aplikasyon, alinman ang mauna. 

Ang karamihan ng pansamantalang lokal na hire ay ginawang empleyado sa pamamagitan ng ginawang mabisang proseso ng pag-ha-hire. Ang termino ng trabaho ng isang lokal na nahire ay hanggang 120-araw, kahit na maaari itong pahabain gamit ang pandagdag na 120-araw.

Ang FEMA ay isang tagapag-empleyo ng pantay na pagkakataon. Ang suweldo ay maihahambing sa lokal na rate ng suweldo.

Kondisyon sa Trabaho:

  • Ikaw ay dapat isang mamamayan ng Estados Unidos para maikonsidera para sa posisyong ito.
  • Ikaw ay kinakailangang pumasa sa isang pagsisiyasat sa background.
  • Kinakailangan sa mga lalaking ipinanganak ng pagkatapos ang ika-31 ng Disyembre, 1959 ang pagpaparehistro sa Selective Service (Piling Serbisyo).
  • Suring ang mga anunsyo sa trabaho para sa karagdagang kondisyon sa trabaho.

Upang makita ang iba pang pag-post sa trabaho ng FEMA, bumisita sa fema.gov/careers.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa operasyon ng pagbawi sa sakuna sa Illinois, bisitahin ang  www.fema.gov/disaster/4728. Ang huling araw para magrehistro sa FEMA para sa tulong sa sakuna ay Oktubre 30, 2023.

###

Ang tulong sa pagkabawi mula sa sakuna ay magagamit nang walang pagsasaalang-alang sa lahi, kulay, relihiyon, nasyonalidad, kasarian, edad, kapansanan, kasanayan sa Ingles, o pang-ekonomiyang katayuan. Ang makatwirang akomodasyon, kabilang ang pagsasalin ng wika at tagapagsalin ng American Sign Language (wikang pasenyas ng Amerika) gamit ang Serbisyong Relay ng Bidyo ay magagamit upang masigurado ang epektibong komunikasyon sa mga aplikanteng may limitasyon sa kasanayan sa Ingles, kapansanan, daanan at functional na pangangailangan. Kung ikaw o ang isang kakilala mo ay may diskriminasyon, tumawag sa FEMA nang libreng-toll sa 800-621-3362 (kabilang ang 711 o Relay ng Bidyo).

Tags:
Huling na-update noong