Pagbubukas ng Mga Disaster Recovery Center ng FEMA sa County ng Los Angeles

Release Date Release Number
DR-4856-CA NR 001
Release Date:
Enero 14, 2025

LOS ANGELES – Dalawang Disaster Recovery Center ng FEMA ang magbubukas bukas sa Los Angeles County upang tulungan ang mga taga-California na nakaranas ng pinsala sa kanilang pangunahing tahanan, pagkawala ng personal na ari-arian o may mga agarang pangangailangan na sanhi ng sakuna na may kaugnayan sa mga wildfire. Sa center, maaaring makakuha ang mga tao ng tulong sa pag-aapply para sa tulong na pederal, makipag-usap sa mga kinatawan mula sa mga ahensya ng estado at pederal, makatanggap ng mga update sa kanilang aplikasyon sa FEMA para sa tulong at matutunan ang tungkol sa proseso ng mga apela.

Magbubukas ang mga center sa Martes, Ene. 14, 2025, ng 1:00 p.m. PST. Pagkaraan ng Martes, Ene. 14, ang mga oras at lokasyon ay ang sumusunod:

  • UCLA Research Park West
    10850 West Pico Blvd.
    Los Angeles, CA 90064
    Oras ng operasyon –Araw-araw: 9 a.m. hanggang 8 p.m.
  • Pasadena City College Community Education Center
    3035 East Foothill Blvd.
    Pasadena, CA 91106
    Oras ng operasyon – Araw-araw: 9 a.m. hanggang 8 p.m.

Maaaring kabilang sa tulong pinansyal ng FEMA ang pera para sa mga pangunahing pagkukumpuni ng bahay, pagkawala ng mga personal na ari-arian o iba pang hindi insured, mga pangangailangang nauugnay sa sakuna gaya ng pangangalaga sa bata, transportasyon, mga medikal na pangangailangan, libing, o mga gastusin sa ngipin. 

Hindi kinakailangang pumunta sa isang center upang mag-apply para sa tulong ng FEMA. Ang pinakamabilis na paraan upang mag-apply ay online sa DisasterAssistance.gov o gamit ang FEMA app. Maaari ka ring tumawag sa 1-800-621-3362. Kung gumagamit ka ng relay service, gaya ng video relay, captioned telephone, o iba pang serbisyo, ibigay sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon. 

Ang mga nakaligtas sa County ng Los Angeles na nagparehistro para sa tulong ng FEMA ay makakatanggap ng sulat ng desisyon sa pamamagitan ng mail o sa kanilang DisasterAssistance.gov account. Kung sinasabi ng sulat na ikaw ay “hindi aprubado” para sa ilang kategorya ng tulong, hindi ito nangangahulugang tinanggihan ka ng tulong.

Mahalagang basahin nang mabuti ang sulat dahil ipapaliwanag nito ang status ng iyong aplikasyon at magpapayo kung ano ang kailangan mong gawin upang maipagpatuloy ang proseso.

Ang Estado ng California ay nakatuon sa pagsuporta sa mga residenteng naapektuhan ng Los Angeles Hurricane-Force Firestorm habang nasa proseso sila ng pagbangon. Available ang mga resource para sa tulong pinansyal, pabahay, pondo para sa pagkukumpuni, at iba pa upang matulungan ang mga indibidwal at pamilya. Puntahan ang CA.gov/LAFires para sa pinakabagong impormasyon sa mga disaster recovery program, mahahalagang deadline, at kung paano mag-apply para sa tulong.

Kung may mga tanong ka tungkol sa iyong sulat mula sa FEMA, pumunta sa isang Disaster Recovery Center o tawagan ang FEMA Helpline sa 1-800-621-3362.

Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa pagbangon ng California, pumunta sa fema.gov/disaster/4856. I-follow ang FEMA Region 9 @FEMARegion9 sa X o i-follow ang FEMA sa social media sa: FEMA Blog sa fema.gov, @FEMA o @FEMAEspanol sa X, FEMA o FEMA Espanol sa Facebook, @FEMA sa Instagram, at sa FEMA YouTube channel.

Tags:
Huling na-update