SPRINGFIELD – Ang mga karapat-dapat na may-ari ng bahay na nag-apply para sa tulong ng FEMA ay maaaring makatanggap ng karagdagang mga pondo para sa mga partikular na hakbang sa pagpapagaan upang makatulong na maiwasan ang pagkalugi sa hinaharap. Para sa mga Illinoisan na napinsala mula sa matinding bagyo noong Hulyo 13 – 16, maaaring kabilang sa tulong na ito ang mga pondo para sa pagkukumpuni ng bubong upang makayanan ang mas mataas na hangin at makatulong sa pag-iwas sa pagpasok ng tubig, pagtataas ng pampainit ng tubig o pugon, at pagtataas o paglipat ng electrical panel upang maiwasan ang pinsala sa baha sa hinaharap.
Bilang karagdagan, ang mga karapat-dapat na nangungutang para sa sakuna mula sa Pangasiwaan ng Malilit na Negosyo ng U.S. (U,S, Small Business Administration, SBA) ay maaaring piliing tumanggap ng pinalawak na pagpopondo upang makatulong sa kanilang tahanan o negosyo laban sa mga sakuna sa hinaharap. Ang pinakamataas na halagang maaaring mahiram ng isang aplikante para sa mga hakbang sa pagpapagaan ay 20% ng mga naberipikang pinsala ng SBA. Ang nanghihiram ay dapat humiling ng mga pondo sa pagpapagaan sa lalong madaling panahon, ngunit hindi lalampas sa dalawang taon pagkatapos ng pag-apruba ng utang.
Habang nagpapatuloy ang pagbangon pagkatapos ng matitinding bagyo ng Hulyo 13 – 16, hinihikayat ng FEMA ang mga residente na isaalang-alang ang mga aksyong pagpapagaan upang palakasin ang kanilang ari-arian laban sa mga kaganapan sa baha at malakas na hangin sa hinaharap.
Mga Tip sa Pag-iwas sa Baha
- Mamuhunan sa Seguro sa Baha. Alam mo ba na ang isang pulgada ng tubig ay maaaring magdulot ng $25,000 na pinsala? Karamihan sa seguro ng mga may-ari ng bahay ay hindi sumasakop sa pinsala sa baha. Ang seguro sa baha ay isang hiwalay na patakaran na maaaring sumaklaw sa mga gusali at/o mga nilalaman sa isang gusali. Upang bumili ng patakaran ng National Flood Insurance Program, tawagan ang iyong kompanya ng seguro o ahente ng seguro. Maghanap ng provider sa online sa FloodSmart.gov/flood-insurance-provider o tumawag sa 877-336-2627.
- Selyuhan ang Mga Bitak ng Pundasyon. Gumamit ng mortar at masonry caulk upang punan ang mga basag sa pundasyon upang makatulong na hindi pumasok ang tubig.
- Maglagay ng Sump Pump at Back Flow Valve. Tiyaking mayroon kang sump pump na may backup na pinapatakbo ng baterya kung sakaling masira ang kuryente at isaalang-alang ang pagkuha ng tubero upang maglagay ng back flow valve upang itulak ang daloy ng tubig at imburnal na backup palayo sa iyong tahanan.
- Itaas ang Mga Kagamitan. Itaas at iangkla ang mga air conditioning condenser, heat pump, metro ng tubig at iba pang kagamitan sa serbisyo sa mga platform nang hindi bababa sa isang talampakang mas mataas kesa sa potensyal na kataasan ng baha. Isaalang-alang ang pagtataas ng iba pang pangunahing kagamitan sa itaas ng unang palapag.
- Mag-landscape para Pagbutihin ang Pagdaloy Palayo. Bumuo ng anumang lumubog na lugar sa paligid ng pundasyon, maghukay ng maliliit na lubak upang maayos na dumaloy ang tubig, at kung hindi man ay pagbutihin ang iyong bakuran upang ito ay lumayo sa iyong tahanan.
Mga Tip sa Pagbawas ng Hangin
- Palakasin ang Iyong Paninirahan. Ang pag-retrofitting ng iyong tahanan ay maaaring magbigay ng mga pagpapanibago ng istruktura na hindi umiiral noong ito ay itinayo. Halimbawa, maaaring maglagay ng mga strap ang isang may-ari ng bahay sa mga structural beam ng kanilang bubong upang maging sapat ang lakas nito para labanan ang "pagtaas" na epekto ng malakas na hangin na maaaring maging sanhi ng pag-angat at pagbagsak nito pabalik sa bahay.
- Depensahan ang mga Pintuan. Maaaring mabigo ang mga pintuan ng garahe o double-entry sa ilalim ng presyon ng hangin. Ang mga pintuan ng garahe ay maaaring palakasin ng mga girt at sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga wheel track. Ang mga double-entry na pinto ay maaaring palakasin ng isang malakasang deadbolt, pagdaragdag ng mga slide bolt sa isa sa mga pinto, at paggamit ng mas mahabang pagkakabit ng bisagra sa pinto at frame.
- Bantayan ang iyong Salamin. Pinipigilan ng mga pang-bagyong shutter na masira ang mga bintana kapag may mga labing dala ang hangin. Maaari ka ring magdagdag ng film na lumalaban sa basag o hindi tinatablan ng bagyo na may mataas na epekto na salamin (stormproof high-impact glass) upang depensahan ang salamin mula sa pagkabasag.
- Putulin at Higpitan. Pag-isipang putulin ang anumang nakalawit na mga sanga ng puno na nagdudulot ng banta sa iyong tahanan at i-secure ang panlabas na kasangkapan at mga tangke ng gasolina na maaaring maihagis sa panahon ng malakas na hangin.
- Tiyaking Ikaw ay Ganap na Nakaseguro. Maglaan ng oras upang suriin ang iyong mga saklaw ng seguro at makipag-usap sa iyong ahente upang iberipika na ang iyong sambahayan ay sapat na nakaseguro laban sa mga kaganapan ng malakas na hangin at iba pang mga panganib sa sakuna sa iyong komunidad.
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa FEMA at SBA mitigation assistance, bisitahin ang go.dhs.gov/3x8 at www.sba.gov/funding-programs/disaster-assistance/mitigation-assistance.
Para sa higit pang mga tip upang maprotektahan ang iyong tahanan sa mga kaganapan ng malakas na hangin at baha, bisitahin ang Protect Your Property From Severe Winds Brochure 2023 (fema.gov) at Protect Your Property From Flooding Brochure 2020 (fema.gov).