Dalawang Linggo ang Natitira upang Mag-apply para sa Tulong sa FEMA

Release Date Release Number
DR-4819-IL NR-19
Release Date:
Nobyembre 6, 2024

SPRINGFIELD - Ang mga may-ari ng bahay at nangungupahan na nakaranas ng pinsala o pagkawala na nauugnay sa sakuna mula noong Hulyo 13 – 16 na matinding bagyo, buhawi, tuwid na linya ng hangin, at pagbaha sa Cook, Fulton, Henry, St. Clair, Washington, Will, at mga county ng Winnebago ay may dalawang linggo na lamang para mag-apply ng tulong mula sa FEMA at sa U.S. Small Business Administration (SBA).

Ang deadline para mag-apply para sa tulong ng FEMA at ng SBA Physical Disaster Loan ay sa Martes, Nobyembre 19, 2024. Kung naka-insure, hindi mo kailangang maghintay para sa isang settlement letter para mag-apply ng tulong sa FEMA. Hindi maaaring duplicate ng FEMA ang mga benepisyong sakop ng insurance o iba pang mga mapagkukunan, kaya hihilingin ang dokumentasyon ng insurance, ngunit maaaring isumite pagkatapos mag-apply.

Maaaring kabilang sa tulong ng FEMA ang mga gawad para sa pansamantalang pabahay, pangunahing pagkukumpuni o pagpapalit ng bahay at and iba pang mga gastos na nauugnay sa sakuna, tulad ng mga gastos sa paglipat at pag-iimbak, pangunahing pagkukumpuni o pagpapalit ng sasakyan, mahahalagang  muwebles at kasangkapan, gastos sa medikal at ngipin, at mga gastos sa pangangalaga ng bata.

Ang pinakamabilis na paraan para mag-apply para sa tulong ng FEMA ay sa pamamagitan ng online sa DisasterAssistance.gov, pag-download ng FEMA mobile app o pagtawag sa FEMA Helpline sa 800-621-3362. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng video relay, serbisyo ng teleponong may caption o iba pa, ibigay sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon kapag mag-a-apply ka. Maaari ding bumisita ang mga residente sa Disaster Recovery Center para mag-apply nang personal para sa tulong. Upang makahanap ng sentrong pinakamalapit sa iyo, bisitahin ang, FEMA.gov/DRC.

Pagkatapos mong mag-apply para sa tulong ng FEMA, huwag maghintay na mag-aplay para sa isang pangmatagalan, mababang interes na pautang sa sakuna (disaster loan) mula sa din sa U.S. Small Business Administration (SBA). Hindi mo kinakailangang mag-apply para sa SBA na pautang upang maisaalang-alang para sa mga gawad ng FEMA, ngunit maaari mong makaligtaan ang tulong ng SBA sa mga gastos kaugnay sa sakuna na hindi saklaw ng tulong ng FEMA. 

Ang mga may-ari ng bahay, nangungupahan, negosyo at ilang pribadong non-profit na organisasyon ay maaaring matuto nang higit pa tungkol sa SBA na pangmatagalan, mababang interes na mga Physical Disaster Loan na maaaring pumunta sa pagkukumpuni at pagpapalit ng ari-arian na napinsala ng kalamidad, sa pamamagitan ng online sa sba.gov/disaster. Simula noong Oktubre 15, ang mga pondo para sa Programang Pautang sa Sakuna (Disaster Loan Program) ay ganap na nagamit; habang walang mailalabas na bagong mga pautang hanggang sa maglaan ng karagdagang pondo ang Kongreso, hinihikayat ang mga aplikante na magsumite kaagad ng kanilang mga aplikasyon sa pautang para sa pagsusuri habang naghihintay ng pagpopondo sa hinaharap.

Ang deadline para mag-apply para sa tulong ng FEMA at SBA Physical Disaster Loan ay sa Nobyembre 19. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa operasyon ng pagbangon mula sa sakuna sa Illinois, bisitahin ang www.fema.gov/disaster/4819.

Tags:
Huling na-update