Alam mo ba Itong Sampung Pangunahing Katotohanan Tungkol sa Pederal na Tulong sa Sakuna?

Release Date Release Number
NR 015
Release Date:
January 10, 2024

CHICAGO — Ang mga residente ng Cook County na may hindi nakaseguro o may kakulangan sa seguro na pagkawala mula sa matinding bagyo at pagbaha noong Setyembre 17-18, 2023 ay maaaring mag-aplay para sa tulong ng FEMA. Narito ang sampung katotohanan tungkol sa tulong na maiaalok ng FEMA:

  1. Sa pamamagitan ng pag-apply, hindi ka kukuha ng pera mula sa ibang tao. Magbabahagi ang FEMA ng mga pondo sa bawat karapat-dapat na aplikante kahit na ilang tao ang mag-apply.
  2. Ang tulong ng FEMA ay maaaring makuha ng mga may-ari at umuupa, kabilang ang mga may-ari at umuupa ng mga mobile home (tahanang de-gulong).
  3. Ang mga karapat-dapat na may-ari ng bahay at umuupa ay makakatanggap ng tulong ng FEMA bilang mga gawad na hindi kailangang bayaran.
  4. Kung naantala ang iyong seguro ng 30 araw o higit pa at kailangan mo ng pera upang lumipat agad, maaaring makatulong ang FEMA. Hindi tulad ng mga karaniwang gawad ng FEMA, ang ganitong uri ng tulong ay dapat bayaran kapag nakuha mo ang iyong seguro.
  5. Ang tulong sa FEMA ay hindi sinisingilan ng buwis, at hindi makakaapekto sa pagiging karapat-dapat para sa Seguridad Panlipunan, Medicaid o iba pang mga benepisyong pederal o estado.
  6. Maaari kang magtanong at makakuha ng sa-personal na tulong para sa pag-apply para sa tulong sa isang  Disaster Recovery Center (DRC o Sentro ng Pagbawi sa Sakuna). Limang sentro ang kasalukuyang bukas. Upang mahanap ang sentro na pinakamalapit sa iyo, bisitahin ang fema.gov/drc.
  7. Ayon sa batas, hindi maaaring magbigay ang FEMA ng gawad sa iyo kapag ang anumang iba pang mapagkukunan — seguro, crowdfunding (pagkuha ng pondo mula sa maraming tao), panlokal o pang-estado na mga programa, o pinansyal na tulong mula sa mga boluntaryong ahensya — ay nakasakop na sa iyong mga gastos para sa parehong pangangailangan na nauugnay sa kalamidad.
  8. Kung nasira ang iyong sasakyan sa sakuna, maaari kang maging karapat-dapat para sa pera upang ayusin o palitan ito.
  9. Kung tinutukoy ka ng FEMA sa Small Business Administration (SBA o Administrasyon ng Maliliit na Negosyo), maaari kang mag-apply. Ang pangmatagalang at mababang interes na pautang sa sakuna ng SBA ay ang pinakamalaking mapagkukunan ng pederal na mga pondo sa pagbawi - at ang pag-apply ay nagpapahintulot sa FEMA na suriin ka para sa iba pang mga uri ng tulong. Maaaring madagdagan ng SBA ang halaga ng iyong pautang nang hanggang 20 porsyento ng iyong pinsala upang mapabuti mo ang iyong tahanan at gawing mas ligtas ito. Upang matuto pa, bisitahin ang SBA.gov/disaster.
  10. Ang pagtawag sa 211 o pag-apply para sa tulong gamit ang ibang organisasyon o ahensya ay hindi awtomatikong nagrerehistro sa iyo sa FEMA.

Maaari kang mag-aplay para sa tulong sa FEMA gamit ang isa sa apat na paraan:

  • Bisitahin ang DisasterAssistance.gov.
  • Gamitin ang mobile app ng FEMA.
  • Tumawag sa linya ng tulong ng FEMA sa 800-621-3362. Nakahanda ang mga multilinggwal na operator. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay sa bidyo, serbisyo ng naka-caption na telepono o iba pa, ibigay mo sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon.
  • Bumisita sa isang Sentro ng Pagbawi sa Sakuna. Ang mga sentro ay nagsisilbing one-stop shop (lugar na tumutugon sa maraming kahilingan) para sa mga nakaligtas na nangangailangan ng isa-sa-isang tulong. Ang mga nakaligtas ay maaaring bumisita sa anumang sentro para sa tulong. Upang makahanap ng lokasyon ng  mga sentro at kasalukuyang oras, bisitahin ang FEMA.gov/DRC.

Higit sa $30 milyon sa tulong sa FEMA ang naaprubahan na para sa mga nakaligtas. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagbawi ng Cook County, bisitahin ang www.fema.gov/disaster/4749

                                                                                   ###                                                                

Ang tulong sa pagbawi mula sa sakuna ay makukuha nang walang pagsasaalang-alang sa lahi, kulay, relihiyon, nasyonalidad, kasarian, edad, kapansanan, kasanayan sa Ingles, o pang-ekonomiyang katayuan. Ang makatwirang akomodasyon, kabilang ang pagsasalin ng wika at mga tagapagsalin ng American Sign Language (Wikang Pasenysa ng Amerika) ay magagamit upang matiyak ang epektibong komunikasyon sa mga aplikante na may limitadong kasanayan sa Ingles, kapansanan, at mga pangangailangan sa pag-access at pagpapaandar. Kung ikaw o isang taong kilala mo ay may diskriminasyon, tumawag sa FEMA nang libreng-toll sa 800-621-3362. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay sa bidyo, serbisyo ng naka-caption na telepono o iba pa, ibigay mo sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon.

Tags:
Huling na-update noong