Isang Buwan na lang ang Natitira para sa Mga Residente ng Cook County upang Mag-apply para sa Tulong ng FEMA

Release Date Release Number
NR 016
Release Date:
January 10, 2024

CHICAGO — Ang mga may-ari ng bahay at umuupa sa Cook County na may hindi nakaseguro o may kakulangan sa  seguro na pagkawala mula sa matinding bagyo at pagbaha noong Setyembre 17-18, 2023 ay mayroon nalang hanggang Biyernes, Pebrero 9 para mag-apply para sa tulong. Ang huling araw ng aplikasyon ay pinahaba kamakailan ng tatlong linggo upang magbigay ng mas maraming oras para sa mga apektadong residente na mag-apply. Mahigit sa $31 milyon sa tulong ng FEMA ang naaprubahan na.

Ang mga programa ng tulong ng FEMA ay idinisenyo upang matulungan ka sa mga pangunahing, kritikal na pangangailangan tulad ng isang ligtas, malinis at naa-access na lugar para matirahan. Kasama sa tulong ang tulong sa pag-upa, pagbabayad ng gastos sa tirahan, at tulong sa pag-aayos at pagpalit. Hindi kailangang bayaran ang mga gawad ng FEMA at ang tulong ng FEMA ay hindi binabayaran ng buwis at hindi ito makakaapekto sa pagiging karapat-dapat para sa Seguridad Panlipunan, Medicaid o iba pang mga pederal na benepisyo.

Mag-apply gamit ang isa sa apat na paraan:

  • Bisitahin ang DisasterAssistance.gov.
  • Gamitin ang mobile app ng FEMA
  • Tumawag sa linya ng tulong ng FEMA sa 800-621-3362. Nakahanda ang mga multilinggwal na operator. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay sa bidyo, serbisyo ng naka-caption na telepono o iba pa, ibigay mo sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon. 
  • Bumisita sa isang Disaster Recovery Center (DRC o Sentro ng Pagbawi sa Sakuna). Ang mga sentro ay nagsisilbing one-stop shop (lugar na tumutugon sa maraming kahilingan) para sa mga nakaligtas na nangangailangan ng isa-sa-isang tulong. Ang mga nakaligtas ay maaaring bumisita sa anumang sentro para sa tulong. Upang makahanap ng lokasyon ng mga sentro at kasalukuyang oras, bisitahin ang FEMA.gov/DRC

Ang misyon ng FEMA ay ang pagtulong sa mga tao bago, habang, at pagkatapos ng sakuna. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagbawi ng Cook County, bisitahin ang www.fema.gov/disaster/4749.

                                                                         ###                                                               

Ang tulong sa pagbawi mula sa sakuna ay makukuha nang walang pagsasaalang-alang sa lahi, kulay, relihiyon, nasyonalidad, kasarian, edad, kapansanan, kasanayan sa Ingles, o pang-ekonomiyang katayuan. Ang makatwirang akomodasyon, kabilang ang pagsasalin ng wika at mga tagapagsalin ng American Sign Language (Wikang Pasenysa ng Amerika) ay magagamit upang matiyak ang epektibong komunikasyon sa mga aplikante na may limitadong kasanayan sa Ingles, kapansanan, at mga pangangailangan sa pag-access at pagpapaandar. Kung ikaw o isang taong kilala mo ay may diskriminasyon, tumawag sa FEMA nang libreng-toll sa 800-621-3362. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay sa bidyo, serbisyo ng naka-caption na telepono o iba pa, ibigay mo sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon.

Tags:
Huling na-update noong