Pinahaba ng FEMA ang Huling Araw ng Aplikasyon

Release Date Release Number
032
Release Date:
October 13, 2023

LAKE MARY, Fla. – Ang mga may-ari ng bahay at umuupa sa 18 county ng Florida na nagkaroon ng walang-segurong pagkawala na naidulot ng Bagyong Idalia ay mayroon hanggang Nobyembre 29, 2023, upang mag-apply para sa tulong sa sakuna ng FEMA.

Sa kahilingan ng Estado ng Florida, pinahaba ng FEMA nang 30-araw ang huling araw ng aplikasyon sa Tulong Pang-Indibidwal. Ang FEMA ay maaaring makabigay ng tulong sa pansamantalang matutuluyan, pangunahing gastos sa pagpapagawa ng bahay o iba pang pangangailangan na may kaugnayan sa sakuna. 

Ang mga may-ari ng bahay at umuupa sa mga county ng Charlotte, Citrus, Columbia, Dixie, Gilchrist, Hamilton, Hernando, Hillsborough, Jefferson, Lafayette, Levy, Madison, Manatee, Pasco, Pinellas, Sarasota, Suwannee at Taylor ay maaaring mag-apply. 

Tumawag nang libreng-toll sa 800-621-3362, pumunta online sa DisasterAssistance.gov, i-download ang App ng FEMA para sa mga mobile na kasangkapan o bumisita sa isang Disaster Recovery Center (DRC o Sentro ng Pagbawi sa Sakuna). Ang linya ng telepono ay bukas araw-araw mula 7 n.u. hanggang 10 n.g. sa Silangang Pamantayang Oras. Ang tulong ay maaaring makuha sa karamihan ng mga wika. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay tulad ng VRS (serbisyo ng relay sa bidyo), serbisyo ng naka-caption na telepono o iba pa, ibigay mo sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon. Para makita ang isang naa-access na bidyo tungkol sa kung paano mag-apply, bisitahin ang Tatlong Paraan para Mag-apply para sa Tulong sa Sakuna ng FEMA - YouTube

Tags:
Huling na-update noong