Mga Pangkat ng FEMA nasa labas para Tumulong sa mga Nakaligtas sa Idalia

Release Date Release Number
030
Release Date:
October 11, 2023

LAKE MARY, Fla. – Ang mga espesyalista ng Disaster Survivor Assistance (DSA o Tulong sa Nakaligtas sa Sakuna) ng FEMA ay nagtatrabaho sa mga komunidad na naapektuhan ng Bagyong Idalia, tumutulong sa mga tao na mag-apply para sa pederal na tulong at ipinapayo sa kanila ang karagdagang magpagkukunan para sa kanilang pagbawi.

Itong mga espesyalista ay nagdadala ng pagkakalilanlan ng FEMA at hindi naniningil para sa serbisyo.

Higit sa 126 na espesyalista ay kasalukuyang gumagawa ng operasyon sa 16 na county. Binisita na nila ang higit sa 120,000 bahay at higit sa 7,000 negosyo, pasilidad ng komunidad at pampublikong espasyo. Nakipagkita sila sa 3,000 tao sa mga sentrong mobile ng FEMA sa sari-saring lokasyon.

Habang libo-libong tao ang nag-apply para sa tulong ng FEMA sa pamamagitan ng pagtawag sa 800-621-3362, pagpunta sa online sa DisasterAssistance.gov o sa paggamit ng App ng FEMA para sa mga aparatong mobile, ang iba naman ay nag-apply sa pamamagitan ng pakikipagkita nang isa-sa-isa sa mga espesyalista ng Tulong sa Nakaligtas sa Sakuna sa mga distrito.

Sa ilang mga sitwasyon, gusto ng mga taong mag-apply o matutunan pa ang tungkol sa tulong ng FEMA. Sa iba namang mga sitwasyon, gusto nila ng mga referral sa iba pang mga organisasyon na maaaring magbigay ng tulong. 

Sa labas, nalalaman ng mga pangkat ng DSA ang mga hadlang sa mga nakaligtas sa sakuna sa pag-apply nila para sa tulong, at pagkatapos gagawa sila ng aksyon. Kamakailan sa Aplaya ng Horseshoe, ang mga espesyalista ng FEMA ay nakipagkita sa isang pastor na nagsabi sa kanila na ang mga tao sa kongregasyon ay nahihirapan na makakuha ng access sa proseso ng aplikasyon dahil sa pagkawala ng kuryente, pagkawala ng signal sa cellphone at sa distansya papunta sa pinakamalapit na Disaster Recovery Center (DRC o Sentro ng Pagbawi sa Sakuna). Sa suporta ng pastor, ang isang pangkat ng DSA ay dumating sa simbahan sa susunod na Linggo at nagbigay ng tulong sa aplikasyon at impormasyon sa maraming mga tao sa kongregasyon. Mayroon silang cake na may nakasulat na “Horseshoe Beach Strong” (Matibay na Aplaya ng Horseshoe).

Para sa pinakabagong impormasyon sa pagbawi ng Florida mula sa Bagyong Idalia, bisitahin ang  floridadisaster.org/updates/ at fema.gov/disaster/4734. Sundan ang FEMA sa X na dating kilala bilang Twitter, sa twitter.com/femaregion4 at sa facebook.com/fema.

Tags:
Huling na-update noong