CHICAGO - Ang mga residente ng Cook County na hindi sumasang-ayon sa desisyon ng tulong ng FEMA ay may kakayahang magpasa ng apela at muling isaalang-alang ang kanilang kaso.
Pagkatapos magrehistro para sa tulong ng FEMA, tatanggap ang mga aplikante ng liham na nagpapaliwanag sa desisyon ng FEMA sa pagiging karapat-dapat at ang dahilan sa desisyon na iyon. Basahin mong mabuti ang iyong liham dahil tinutukoy nito kung bakit hindi ka kwalipikado sa kasalukuyan at nagrerekomenda ito ng mga hakbang na maaaring magbago ng kanilang desisyon.
Maaari mong kailanganing magbigay ng karagdagang impormasyon o dokumento. Halimawa, hindi kaya ng FEMA na kumopya ng mga benepisyo mula sa ibang pinagmumulan, kabilang ang seguro. Subalit, kung ang iyong patakaran ay hindi sumasaklaw sa lahat ng iyong mahahalagang pangangailangan, maaari mong isumite ang iyong dokumento ng kasunduan sa seguro sa FEMA para repasuhin.
Ang halimbawa ng nawawalang mga dokumento ay maaaring kinabibilangan ng katibayan ng pagkakakilanlan, pagpapatunay na ikaw ay may-ari o sumasakop sa nasirang pag-aari, o katibayan na ang nasirang pag-aari ay iyong pangunahing tirahan sa panahon ng sakuna. Bukod pa rito, kung sinabi mo sa FEMA na ang iyong bahay ay ligtas na tirhan noong panahon na ikaw ay nagrehistro, ngunit nagbago ang iyong katayuan, pwede mong tawagan ang Linya ng Tulong ng FEMA sa pamamagitan ng pagtawag sa 800-621-3362 para masiyasat ang iyong pag-aari at muling isaalang-alang para sa tulong. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay sa bidyo, serbisyo ng naka-caption na teleponoo iba pa, ibigay mo sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon.
Ang Pag-Apela sa Desisyon ng FEMA
Ang lahat ay may karapatan na mag-apela ng desisyon ng FEMA. Dapat maihain ang apela sa anyo ng isang nakapirmang liham, ng aplikante, sa loob ng 60 araw ng petsa ng liham ng desisyon. Sa laman ng apela, ipaliwanag mo kung bakit ka hindi sumasang-ayon sa desisyon. Idagdag mo ang kahit anong hinihiling na impormasyonat sumusuportang dokumentasyon. Siguraduhin mong isama ang mga sumusunod:
- Buong pangalan ng aplikante, kasalukuyang address at numero ng telepono
- Address ng pangunahing tahanan ng aplikante bago ng sakuna
- Pirma ng aplikante at petsa
- Numero ng rehistrasyon ng aplikante (sa bawat pahina)
- Numero ng deklarasyon ng sakuna ng FEMA – DR-4728 (sa bawat pahina)
Kung ang taong nagsulat ng liham ng apela ay hindi aplikante o miyembro ng sambahayan ng aplikante, kailangan magsama ng pahayag na nagbibigay pahintulot sa manunulat na magsulat sa ngalan mo.
Ang mga liham ng apela at sumusuportang dokumentasyon ay maaaring mai-upload kaagad sa iyong account sa DisasterAssistance.gov o i-fax sa 800-827-8112. Siguraduhin po na ang lahat ng mga fax ay may cover sheet na kasama ng liham ng desisyon ng FEMA.
Ang iyong apela ay maaari ring isumite sa isang Disaster Recovery Center (Sentro ng Pagbawi sa Sakuna) kung saan may mga kawaning handang tumulong sa iyo. Nagpapatuloy na bukas ang mga Sentro ng Pagbawi sa Sakuna sa lahat ng naapektong lugar; bumisita sa Tagahanap ng Sentro ng Pagbawi sa Sakuna upang hanapin ang iyong pinakamalapit na sentro.
Maaari ring ipadala ang mga apela sa:
FEMA National Processing Service Center
P.O. Box 10055
Hyattsville, MD 20782-8055
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagbawi ng Cook County, bumisita sa www.fema.gov/disaster/4728. Ang huling araw para mag-apply para sa tulong sa sakuna ay Oktubre 16, 2023.