Kung kayo ay isa sa mga residente ng Florida na nakaranas ng pagkasira noong sinalanta ng Bagyong Michael ang Panhandle noong Oktubre at nagsimula o nagpaplanong simulan ang pagpapatayo, ang Estado ng Florida at FEMA ay may maraming libreng mapagkukunan ng impormasyon para sa inyo.
- Ang mga publikasyon online na mula sa FEMA ay naglalarawan ng paraan kung saan ang mga gumagawa ng do-it-yourself (gawin mismo ng sarili) at mga kontratista ay maaaring muling magpatayo sa paraang nagbabawas ng mga panganib sa inyong ari-arian sa hinaharap. Upang makapagsimula, pumunta sa sumusunod sa mga website:
- Kung kayo ay walang computer, maaari ninyong bisitahin ang isa sa mga kalahok na mga home improvement center (mga tanggapan ng pagpapabuti sa tirahan) sa panahong ang isa sa maraming events kung saan makikita ninyo ang mga tagapayo ng FEMA na makakatulong sa inyo nang personal. Sila ay magbibigay sa inyo ng impormasyon at magbibigay sa inyo ng mga brochure at iba pang mga publikasyon sa kung ano ang gagawin kapag kayo ay nagpapatayo o muling nagpapatayo pagkatapos ng baha. Ang mga booklet na ito ay makukuha sa Ingles at Espanyol. Walang pagpaparehistro ang kailangan at walang limit sa bilang ng mga pagkakataon na kayo ay makakabisita o sa bilang ng mga publikasyong makukuha ninyo.
- Maaari kayong pumunta online sa www.fema.gov/tl/disaster/4399, mag-scroll pababa at i-click ang mga Mitigation Location (Lugar sa Pagbawas ng Pagkasira) upang makita kung kailan at saan makakatulong ang mga tagapayo ng FEMA.
- Ang ilan sa mga sumusunod na libreng publikasyon ng FEMA ay makukuha ng mga may-ari ng tirahan o kontratista
sa mga home improvement center (mga tanggapan ng pagpapabuti sa tirahan):
- Against The Wind: Protecting You Home From Hurricane Wind Damage (Laban sa Malakas na Hangin: Pagprotekta sa Inyong Tahanan Mula sa Pagsalanta ng Hanging mula sa Bagyo) Kasunod ng Bagyong Andrew, sinuri ng isang pangkat ng mga eksperto ang mga tirahang nasira at mga tirahang nakaligtas. Tinatalakay ng brochure na ito ang mga bagay na maaari ninyong gawin upang gawing mas matibay ang inyong tahanan.
- Homeowners Guide to Retrofitting, Six Ways to Protect Your Home from Flooding (Gabay ng mga May-ari ng Tirahan sa Pag-retrofit, Anim na Paraan Upang Maprotektahan ang Inyong Tirahan sa Pagbaha):
Tinatalakay ang pagpapataas ng inyong tirahan nang sa gayon ang pinakamababang palapag ay mataas sa nibel ng baha (Pagkaangat); ginagawa nitong matibay sa pagkasira ng baha ang mga bahagi ng inyong tirahan na hindi madalas paglagian (Wet Flood proofing); paglipat ng inyong tirahan sa mas mataas na lupa (Paglipat); paglalagay ng selyo sa mga panlabas na dingding ng inyong tirahan (Dry Flood proofing); pagtatayo ng mga pangharang upang mapigilan ang baha sa pagpasok sa inyong tirahan (Levee at Floodwall); at paggiba ng inyong tirahan at muling pagpapatayo ng ari-arian sa parehong ari-arian, o pagbili ng tirahan sa ibang lugar (Demolisyon). - Protecting Your Home and Property from Flood Damage (Pagprotekta sa Inyong Tirahan at Ari-arian sa Pagkasira ng Baha): Nagbibigay ng impormasyon sa mga hakbang
na gagawin pagkatapos ng baha, kung paano makakuha ng permit sa pagpapatayo, kung paano pumili ng kontratista at gabay
kung paano maiiwasan ang pagkasira ng baha sa inyong ari-arian sa hinaharap.
May makukuha ring mga isang pahinang flyer sa mga events sa home improvement center (mga tanggapan ng pagpapabuti sa tirahan), kabilang ang:
- Pagpili at Paggawa kasama ang mga Kontratista: Nagbibigay ng mga payo sa kung paano maiiwasan ang maloko ng mga mapanlinlang na kontratista. Kabilang sa mga payo ang:
- Siguraduhin na kayo ay kumukuha ng isang lisensyadong kontratista.
- Laging beripikahin ang lisensya ng kontratista sa pamamagitan ng pagbisita sa www.myfloridalicense.com, pagtawag sa the Florida Department of Business and Professional Regulation (Departamento sa Pagnenegosyo at Propesyonal na Regulasyon ng Florida) sa (850) 487-1395 o sa pamamagitan ng pag-download ng libreng Mobile app ng DBPR.
- Mangailangan ng katibayan ng liability at workers compensation insurance (seguro sa pananagutan at kompensasyon para sa manggagawa).
- Tumawag sa DBPR o lokal na tagapagpatupad ng batas upang iulat ang anumang mga paghihinala sa mga panloloko ng kontratista.
- Mga Load Path: Inilalarawan ang konsepto ng mga load path at binibigyang-diin ang mahahalagang koneksyon
sa isang wind uplift load path. - Pagbabawas ng Pagkasira sa mga Binahang Minanupakturang Tirahan: Nagpapakita ng kung ano ang gagawin kapag ang inyong tirahan ay pinasok ng tubig, o kapag ang tubig ay nasa ilalim ng inyong tirahan.
- Paggamit ng mga Connector at Bracket: Binibigyang-diin ang isang mahalagang teknik sa pagpapatayo na tumutulong na “mapatibay” ang estruktura upang maging matatag sa malalakas na hangin.
- Paglilinis at Pagpapatuyo ng Inyong Tirahan: Nagbibigay ng mga hakbang nagagawin kung ang inyong tirahan o ang estruktura sa ilalim nito ay binaha.
- Patibayin o Palitan ang mga Pinto ng Garahe: Binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagpapatibay ng mga pinto ng garahe. Ito ay tutulong sa pagprotekta hindi lamang sa inyong garahe ngunit sa mga nilalaman din nito.
Isang listahan ng mga publikasyon ng FEMA na tinatalakay ang pagpapahupa ng pagkasira at muling pagpapatayo ay matatagpuan sa http://www.fema.gov/media-library/resources-documents/collections/6.
Ang form sa pag-order ng mga publikasyon mula sa FEMA ay makukuha sa http://www.fema.gov/media-library/assets/documents/15792.
Makipag-ugnay sa inyong mga opisyal sa pamamahala ng emerhensya sa county para sa iba pang mga payong mayroon sila upang matulungan kayong maging matatag sa mga kaganapan sa hinaharap. Hanapin ang impormasyong kokontakin para sa inyong mga lokal na impormasyon online
dito: County Emergency Management | Florida Disaster
Ang FEMA ay marami ring publikasyong makukuha tungkol sa mga benepisyo ng National Flood Insurance Program (Pambansang Programa ng Seguro para sa Baha). Pumunta sa https://www.fema.gov/national-flood-insurance-program para sa mga detalye kung paano protektahan ang inyong tirahan sa mga bagyo at baha sa hinaharap. Ang mga karagdagang detalye ay matatagpuan sa https://www.floodsmart.gov/.