Mga may hawak ng Polisiya para sa Seguro sa Baha sa Florida (Florida Flood Insurance Policyholder) Binigyan ng Karagdagang Oras

Release Date Release Number
049
Release Date:
November 7, 2022

BRANDON, Fla. Ang mga my hawak ng polisiya para sa National Flood Insurance Program (NFIP) sa Florida na apektado ng Bagyong Ian ay maaring baguhin ng kanilang kamakailang nag-expire na mga polisiya nang walang resulta ng pagkalipas ng saklaw (coverage).

Nalalapat ang renewal extension sa mga may hawak ng polisiya na ang mga petsa ng pag-expire ng polisiya para sa seguro sa baha (flood insurance) ay nagsimula noong Agosto 25, 2022, hanggang at kasama ang Oktubre 23, 2022. Halimbawa, kung ang orihinal na petsa ng pag-renew para sa isang polisiya ay Agosto 25, 2022, maaaring i-renew ang polisiya sa o bago ang Nobyembre 23, 2022, at maaari mong ihain ang iyong pagkuha para sa pinsalang natanggap mula sa Bagyong Ian. Kung ang petsa ng pag-renew ay Oktubre 23, 2022, maaaring i-renew ang polisiya sa o bago ang Enero 21, 2023.

Ang mga may hawak ng polisiya na gustong samantalahin ang palugit ay dapat makipag-ugnayan sa kanilang ahente o kompanya ng seguro (insurance agent or company) sa loob ng 90 araw mula sa petsa ng pag-expire ng kanilang polisiya. Makipag-ugnayan sa iyong ahente ng seguro (insurance agent) o kumpanya ng seguro (insurance company) upang talakayin ang iyong polisiya. Kung wala kang impormasyong ito, tawagan ang NFIP sa 877-336-2627.

Mula ng nagumpisa hanggang Nobyembre 5, 2022, mayroong 44,000 NFIP na mga kumuha at nabayaran sa Florida para sa kabuuang $351 milyon, kasama ang $170 milyon na paunang bayad.

Pinalawak ng FEMA ang Kinakailangang Patunay ng Pagkawala

Pinalawak din ng FEMA ang kinakailangan sa patunay ng pagkawala para sa mga may hawak ng polisiya sa seguro sa baha (flood insurance) sa Florida na nakaranas ng pinsala sa baha mula sa Bagyong Ian mula 60 hanggang 365 araw

Ang mga may hawak ng polisiya sa 26 na mga county sa Florida na itinalaga para sa programa ng Indibidwal na Tulong ng FEMA ay maaaring samantalahin ang mga pagpapalawig ng NFIP. Ang mga county na iyon ay Brevard, Charlotte, Collier, DeSoto, Flagler, Glades, Hardee, Hendry, Highlands, Hillsborough, Lake, Lee, Manatee, Monroe, Okeechobee, Orange, Osceola, Palm Beach, Pasco, Pinellas, Polk, Putnam, Sarasota, Seminole, St. Johns at Volusia. Gayunpaman, ang lahat ng mga may hawak ng polisiya sa Florida -- maging ang mga nasa hindi itinalagang mga county -- ay dapat na subaybayan ang fema.gov dahil mas maraming mga county ang maaaring idagdag.

Ang saklaw (coverage) ng NFIP ay magagamit anuman ang mga deklarasyon ng pederal na kalamidad.
Ang seguro (insurance) para sa mga nilalaman ay magagamit din ng mga nangungupahan. Ang saklaw (coverage) ay magagamit para sa tirahan at komersyal na mga gusali:

  • Hanggang sa $250,000 sa saklaw (coverage) ng gusali at hanggang sa $100,000 sa saklaw (coverage) ng nilalaman para sa isa hanggang apat na istruktura ng tirahan ng pamilya.
  • Hanggang sa $500,000 sa saklaw (coverage) ng gusali at hanggang sa $100,000 sa saklaw (coverage) ng nilalaman para sa lima o higit pang istruktura ng tirahan ng pamilya.
  • Hanggang sa $500,000 sa saklaw (coverage) ng gusali at hanggang $500,000 sa saklaw (coverage) ng nilalaman para sa mga negosyo.

Mayroong 30 araw na panahon ng paghihintay bago magkabisa ang mga bagong polisiya, kaya huwag maghintay. Nakikipagsosyo ang NIFP sa higit sa 50 pribadong kompanya ng seguro (insurance) at NFIP
Direct para magbenta at magserbisyo ng mga polisiya para sa seguro (insurance) sa baha. Para makahanap ng listahan ng mga manunulat ng seguro sa baha (flood insurance) sa Florida, bisitahin ang Mga Manunulat ng Seguro sa Baha (flood insurance) sa Florida (floir.com)

Para sa kargdagang impormasyon tungkol sa NFIP, para malaman kung nakatira ka sa isang kalahok na komunidad, at kung ano ang saklaw (coverage) ng mga polisiya ng NFIP o kung paano maghain ng pagkuha, makipag-ugnayan sa iyong tagapagbigay ng seguro (insurance) o bisitahin ang FloodSmart.gov.

Tags:
Huling na-update noong