Ang mga County ng Hardee at Sarasota ay Inaprubahan para sa Direktang Pansamantalang Tulong sa Pabahay

Release Date Release Number
036
Release Date:
October 28, 2022

BRANDON, Fla. – Ang mga county ng Hardee at Sarasota ay kwalipikado na ngayon para sa Direktang Pansamantalang Tulong sa Pabahay ng FEMA.

Kabilang sila sa mga county ng Charlotte, Collier, DeSoto at Lee na dating inaprubahan para sa Direktang Pansamantalang Tulong sa Pabahay, na nagbibigay ng mga opsyon para sa mga taong hindi matitirhan ang mga tahanan dahil sa bagyo.

Napagpasiyahan ng FEMA na ang tulong sa pag-upa ay hindi sapat upang matugunan ang pangangailangan sa pabahay sa mga county na iyon dahil sa kakulangan ng magagamit na mapagkukunan ng pabahay.

Aabisuhan ng FEMA ang mga aplikante na karapat-dapat para sa direktang pabahay. Kakailanganin ng oras ang transportasyon, pagpapahintulot, pag-install at pagsisiyasat ng mga yunit na ito bago sila magamit

Nagbibigay ng Tatlong Pangunahing Opsyon Ang Programang Direktang Pabahay:

  • Ang Multi-Family Lease at Repair, kung saan ang FEMA ay pumapasok sa isang kasunduan sa pagpapaupa sa may-ari ng multi-family rental property at gumagawa ng mga pagkukumpuni upang magbigay ng pansamantalang pabahay para sa mga aplikante.
  • Ang Transportable Temporary Housing Unit gaya ng travel trailer o manufactured home.
  • Ang Direktang Pag-upa, na nagpapaupa ng umiiral nang pabahay na handa nang occupancy.

Maaaring ibigay ang Direktang Pansamantalang Tulong sa Pabahay hanggang sa 18 buwan mula Setyembre 29, 2022, ang petsa ng deklarasyon ng pederal na sakuna, hanggang Marso 28, 2024.

Ang direktang pansamantalang pabahay ay nangangailangan ng malaking oras upang maipatupad at hindi ito isang agarang solusyon para sa pansamantala at pangmatagalang pangangailangan sa pabahay ng isang nakaligtas. Dagdag, hindi lahat ng naapektuhan ng kalamidad ay magiging karapat-dapat para sa direktang pabahay. Mahalaga na ang mga kasosyo sa lahat ng antas - lokal, estado, iba pang pederal, nonprofit at pribadong sektor - ay nagtutulungan upang punan ang anumang mga kakulangan.

Ang mga nakaligtas na nag-apply sa FEMA para sa tulong ay hindi kailangang mag-apply muli upang maging karapat-dapat para sa direktang pansamantalang tulong sa pabahay. Kung ikaw ay hindi pa nakapag-apply, maaari kang mag-apply online sa DisasterAssistance.gov, gamit ang FEMA app para sa smartphones o tumawag sa 800-621-3362. Mayroong tulong sa halos lahat ng wika. Kung gumagamit ka ng relay service, gaya ng video relay service (serbisyo ng video relay, VRS), captioned telephone service o iba pa, ibigay sa FEMA ang numero ng serbisyong iyon. Bukas ang mga linya mula 7 a.m. hanggang 11 p.m. pitong beses sa isang linggo.

Tags:
Huling na-update noong