Magbubukas ang Disaster Recovery Center sa Volusia County

Release Date Release Number
020
Release Date:
Oktubre 12, 2022

TALLAHASSEE – Nagbukas ang Estado ng Florida at ang FEMA ng karagdagang Disaster Recovery Center (Mga Sentro sa Pagbangon sa Sakuna, DRC) sa Volusia County.

 

VOLUSIA COUNTY

Volusia County Health Department, 1845 Holsonback Drive, Daytona Beach, FL 32117

Bukas ang center mula 9 a.m. hanggang 6 p.m. pitong araw sa isang linggo.

Nagbibigay ang mga Disaster Recovery Center sa mga nakaligtas sa sakuna ng impormasyon mula sa mga ahensya ng estado ng Florida, FEMA, at U.S. Small Business Administration (Pangasiwaan ng Maliit na Negosyo ng U.S.). Makakakuha ng tulong ang mga nakaligtas sa sakuna sa pag-aplay para sa tulong ng pederal at mga pautang sa kalamidad, mag-update ng mga aplikasyon at matuto tungkol sa iba pang magagamit na mapagkukunan.

Nagseserbisyo ang ibang mga center sa sumusunod na mga lokasyon, 9 a.m. hanggang 6 p.m. pitong araw sa isang linggo maliban kung may ibang binanggit:

CHARLOTTE COUNTY

Home Depot, 12621 S McCall Rd, Port Charlotte, FL 33981

COLLIER COUNTY

Veterans Community Park, 1895 Veterans Park Drive, Naples, 34109

HARDEE COUNTY

Wauchula Civic Center, 515 Civic Center Dr., Wauchula, FL 33873

LEE COUNTY

Lakes Regional Library, 15290 Bass Road, Fort Myers, FL 33919

Oras: 8 a.m. hanggang 7 p.m.

LEE COUNTY

Fort Myers DMS Building, 2295 Victoria Ave., Fort Myers, FL 33901

Oras: 8 a.m. hanggang 7 p.m.

ORANGE COUNTY

Barnett Park, 4801 W. Colonial Drive, Orlando, FL 32808

OSCEOLA COUNTY

Hart Memorial Central Library, 211 E. Dakin Avenue, Kissimmee, FL 34741

 

POLK COUNTY

W.H. Stuart Center, 1702 S. Holland Pkwy, Bartow, FL 33830

 

SARASOTA COUNTY

Shannon Staub Public Library, 4675 Career Lane, North Port, FL 34289

 

SEMINOLE COUNTY

Seminole State College - Barbara Miller Automotive Center, 100 Weldon Blvd., Sanford, FL 32773

Hindi kailangang bumisita sa isang sentro para mag-apply. Ang mga nakaligtas ay maaaring mag-online sa disasterassistance.gov, gamitin ang FEMA mobile app o tumawag sa 800-621-3362. Bukas ang linya
araw-araw mula 7 a.m. hanggang 11 p.m. ET. Available ang tulong sa halos lahat ng wika. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay, tulad ng serbisyo ng video relay (video relay service, VRS), teleponong may caption, o iba pang serbisyo, ibigay sa FEMA ang numero para sa serbisyong iyon.

Ang mga Sentro ng Pagbangon sa Sakuna ay naa-access ng mga taong may kapansanan. Mayroon silang kagamitan na pantulong na teknolohiya na nagbibigay-daan sa mga nakaligtas sa kalamidad na
makipag-ugnayan sa mga tauhan. Magagamit ang Video Remote Interpreting at ang in-person na sign language kapag hiniling. Ang mga sentro ay mayroon ding nagagamit na paradahan, mga rampa, at mga banyo.

Bukod sa mga sentro, ang mga pangkat ng FEMA Tulong sa Nakaligtas sa Sakuna (Disaster Survivor Assistance, DSA) ay nagka-canvass sa mga kapitbahayan sa mga lugar na naapektuhan ng Hurricane Ian upang matulungan ang mga residente na mag-aplay para sa tulong ng FEMA at sagutin ang mga tanong tungkol sa pederal na tulong. Ang mga pangkat ng DSA ay nagsusuot ng FEMA attire at may mga badge ng pagkakakilanlan ng pederal na may larawan. Walang bayad para sa serbisyo.

Ang Indibidwal na Tulong ng FEMA ay maaaring makatulong sa mga pansamantalang gastusin sa tuluyan, pangunahing pagkukumpuni ng bahay at iba pang mahahalagang pangangailangan na may kaugnayan sa sakuna.

Tags:
Huling na-update