Bukas ang Disaster Recovery Center sa Lee County

Release Date Release Number
NR 007
Release Date:
October 5, 2022

TALLAHASSEE – Ang Estado ng Florida at FEMA ay may operasyon o nagpapatakbo ng Disaster Recovery Center (DRC) sa Lee County.

Lokasyon:

Lakes Regional Library

15290 Bass Road

Fort Myers, FL 33919

Mga oras ng operasyon: 9 a.m. hanggang 6 p.m., 7 araw sa isang linggo.

Ang mga Disaster Recovery Center ay nagbibigay sa mga nakaligtas sa sakuna ng impormasyon mula sa mga ahensya ng estado ng Florida, FEMA, at U.S. Small Business Administration Ang mga nakaligtas ay maaaring makakuha ng tulong sa pag-aaplay para sa pederal na tulong, sa pag-alam tungkol sa mga uri ng tulong na mayroon, pag-alam ng proseso ng mga apela at pagkuha ng mga sariwang impormasyon o update sa mga aplikasyon.

Bukod sa pagbisita sa isang center, maaari kang mag-apply nang online sa disasterassistance.gov, gamit ang FEMA mobile app o sa pamamagitan ng pagtawag sa 800 -621-3362, 7 a.m. hanggang 11 p.m. ET, araw-araw. Mayroon o available ang Tulong sa karamihan ng mga wika. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay, gaya ng video relay (VRS), teleponong may caption o iba pang serbisyo, ibigay sa FEMA ang numero para sa naturang serbisyo.

Ang mga Disaster Recovery Center ay naa-access ng mga taong may kapansanan. Mayroon silang pantulong na kagamitan sa teknolohiya para ang mga nakaligtas sa kalamidad ay magawang makipag-ugnayan sa mga tauhan/ staff. Mayroong Video Remote Interpreting at in-person sign language kapag hiniling. Ang mga center ay mayroon ding naa-access na paradahan, mga rampa, at mga palikuran/ restroom.

Ang Indibidwal na Tulong (Individual Assistance) ng FEMA ay maaaring makatulong sa pansamantalang gastusin sa tuluyan, pangunahing pagsasaayos o pagkukumpuni ng bahay at iba pang mahahalagang pangangailangang may kaugnayan sa kalamidad.

Para sa isang naa-access na video kung paano mag-apply para sa tulong, pumunta sa FEMA Accessible: Paano Magparehistro sa Disaster Survivor Assistance - YouTube.

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa pagbangon sa Hurricane Ian sa Florida, bisitahin ang fema.gov/disaster/4673 at  floridadisaster.org/. Sundan kami sa Twitter sa: @FLSERT at @FEMARegion4.

 

Tags:
Huling na-update noong