Mga Probinsya ng Flagler, Putnam, St. Johns at Volusia na Karapat-dapat para sa Tulong na FEMA

Release Date Release Number
003
Release Date:
October 1, 2022

ATLANTA – Ang mga probinsya ng Flagler, Putnam, St. Johns at Volusia cay karapat-dapat na ngayon para sa tulong na FEMA matapos ang Hurricane Ian.

Ang mga indibidwal at sambahayan sa mga probinsya ng Flagler, Putnam, St. Johns at Volusia ay maaaring mag-apply para sa Indibidwal na tulong na FEMA, na maaaring kabilang ang pansamantalang tulong sa pabahay, basic na mga pagkumpuni sa bahay at ilang mga hindi naka-insure na may kinalaman sa kalamidad.

Ang mga probinsyang ito ay sumali sa Charlotte, Collier, DeSoto, Hardee, Hillsborough, Lee, Manatee, Orange, Osceola, Pinellas, Polk, Seminole at Sarasota, na dati nang naaprubahan para sa Indibidwal na Tulong.

Maaaring mag-apply ang mga survivor para sa tulong sa kalamidad sa disasterassistance.gov, sa pamamagitan ng paggamit ng FEMA mobile app, o sa pamamagitan ng pagtawag sa 800-621-3362 mula 7 a.m. hanggang 11 p.m. Eastern Time. Kung gumagamit ka ng serbisyong relay tulad ng serbisyong video relay (VRS), naka-caption na serbisyo sa telepono o iba pa, ibigay sa FEMA ang numero para sa serbisyong iyon.

Para sa maa-access na video tungkol sa kung paano mag-apply para sa tulong, pumunta sa, youtube.com/watch?v=WZGpWI2RCNw.

Para sa impormasyon sa pagbangon ng Florida mula sa Hurrican Ian, bisitahin ang fema.gov/disaster/4673. I-follow ang FEMA sa Twitter sa FEMA Region 4 (@femaregion4) / Twitter at sa facebook.com/fema.

###

Misyon ng FEMA ang tulungan ang mga tao bago, sa panahon ng at pagkatapos ng mga kalamidad.

 

Tags:
Huling na-update noong