Mga County ng Orange, Osceola, Polk at Seminole Karapat-dapat para sa Tulong ng FEMA

Release Date Release Number
002
Release Date:
September 30, 2022

ATLANTA – Ang mga county ng Orange, Osceola, Polk at Seminole ay karapat-dapat na ngayon para sa tulong ng FEMA pagkatapos ng Bagyong Ian.

Ang mga indibidwal at sambahayan sa mga county ng Orange, Osceola, Polk at Seminole ay maaaring mag-apply para sa Pang-indibidwal na Tulong ng FEMA, na maaaring kabilangan ng tulong sa pansamantalang pabahay, mga pangunahing pakukumpuni sa tirahan at ilang iba pang mga pangangailangan na nauugnay sa hindi naka-insure na kalamidad.

Sinasamagan ng mga county na ito ang mga county ng Charlotte, Collier, DeSoto, Hardee, Hillsborough, Lee, Manatee, Pinellas at Sarasota, na noong nakaraan ay inaprubahan para sa Pang-indibidwal na Tulong.

Ang mga nakaligtas ay maaaring mag-apply para sa tulong na pansakuna sa disasterassistance.gov, sa pamamagitan ng pagtawag sa 800-621-3362 mula 7 a.m. hanggang 11 p.m. Eastern Time, o sa pamamagitan ng paggamit ng mobile app ng FEMA. Kung gumagamit ka ng serbisyong relay tulad ng serbisyong video relay (VRS), naka-caption na serbisyo sa telepono o iba pa, ibigay sa FEMA ang numero para sa serbisyong iyon.

Para sa maa-access na video tungkol sa kung paano mag-apply para sa tulong, pumunta sa, youtube.com/watch?v=WZGpWI2RCNw.

Para sa impormasyon tungkol sa pagbangon ng Florida mula sa Bagyong Ian, bisitahin ang fema.gov/disaster/hurricane-ian. Subaybayan ang FEMA sa Twitter sa FEMA Region 4 (@femaregion4) / Twitter at sa facebook.com/fema.

###

Misyon ng FEMA ang tulungan ang mga tao bago, sa panahon ng at pagkatapos ng mga kalamidad.

Tags:
Huling na-update noong