Mga Nakaligtas na taga-New Jersey Mayroon Nang Mas Mahabang Oras para Maga-apply para sa Tulong ng FEMA

Release Date Release Number
NR 025
Release Date:
October 27, 2021

TRENTON, N.J. – Ang huling araw ng mga may-ari ng tahanan at umuupa na taga-New Jersey para mag-apply ng indibidwal na tulong mula sa FEMA para sa pagkasira at pagkawala dulot ng hagupit ng Bagyong Ida ay pinahaba hanggang sa Dis. 6, 2021.

Ang palugit ay nagbibigay ng mas mahabang oras para sa mga nakaligtas na nakatira sa mga county na nakatalaga para sa indibidwal na tulong kabilang ang Bergen, Essex, Gloucester, Hudson, Hunterdon, Mercer, Middlesex, Morris, Passaic, Somerset, Union at Warren.

Ang mga pederal na tulong sa sakuna para sa mga indibidwal at mga pamilya ay maaaring may kasamang pera para sa tulong sa upa, mga pangunahing gastusin sa pagpapagawa ng bahay, kawalan ng mga personal na ari-arian, at iba pang mga mabigat na pangangailangan na kaugnay sa sakuna na hindi sakop ng seguro.

Magrehistro para sa Tulong ng FEMA

Mag-apply para sa tulong sa sakuna sa FEMA online sa DisasterAssistance.gov, sa pamamagitan ng paggamit ng FEMA app o pagtawag sa Linya ng Tulong ng FEMA sa 800-621-3362 (TTY 800-462-7585). Ang mga linya ng telepono na toll-free ay kasalukuyang tumatakbo 7 ng umaga hanggang 1 ng madaling araw araw-araw. Kung kayo ay gumagamit ng serbisyong relay, gaya ng serbisyong video relay (VRS), serbisyong captioned telephone o iba pa, ibigay sa FEMA ang numero para sa serbisyong iyon. Mayroon ding mga operator ng iba’t ibang wika.

SBA Low-Interest Disaster Loans Mga Pautang sa Sakuna ng SBA na May Mababang- Interes

Ang SBA ay tumutulong sa mga negosyo, pribadong nonprofit na mga organisasyon, may-ari ng tahanan, at mga umuupa na mapondohan ang mga pagpapaayos o pagsisikap sa muling-pagpapatayo at sakupin ang gastos sa pagpapapalit ng mga nawala o nasirang personal na ari-arian ng sakuna. Para mag-apply sa isang pautang sa sakuna na may mababang interes, kumpletuhin ang online na aplikasyon sa DisasterLoanAssistance.sba.gov/ela/s/. Para makausap ang isang Customer Service Representative ng SBA tumawag nang direkta sa 800-659-2955 (TTY 800-877-8339). Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa sba.gov.

Tags:
Huling na-update noong