Sabi-sabi : Nagtatag ang FEMA ng mga ligtas na lugar na malapit sa mga lugar na apektado ng kalamidad upang gumana bilang mga “kampo ng FEMA” para mapigilan ang mga tao o para unahin ang aming mga tagatugon kaysa sa mga pangangailangan ng mga nakaligtas.
Katotohanan
Ang lahat ng ito ay hindi totoo. Ang mga sabi-sabi tungkol sa “kampo ng FEMA” ay itinatag sa matagal nang mga teorya ng pagsasabwatan na nilalayong siraan ang aming mga pagsisikap na tulungan ang mga nakaligtas. Ang FEMA ay hindi nagtitipon o pinipigilan ang mga tao, hindi nagpapatupad ng martial law, hindi nagtatayo ng mga kampo ng kulungan, at hindi lihim na nagpapatakbo ng mga tinitirhang mga minahan.
Maraming mga tagatugon at mga nakaligtas na nangangailangan ng suporta na matutuluyan pagkatapos ng sakuna. Ang FEMA ay gumagawa ng pansamantalang matutuluyan ng mga tagatugon na malapit sa mga lokasyon ng sakuna para ang mga tauhan ng tagatugon ay mayroong lugar na matutuluyan nang hindi mangangailangan ng mga hotel o iba pang pabahay mula sa mga nakaligtas. Alamin pa kung paano ang FEMA ay nagbibigay ng suporta sa pabahay para sa mga nakaligtas.
Bilang tugon sa Bagyong Helene sa kanlurang North Carolina, nagtatag ang FEMA ng matutuluyan ng mga tagatugon sa ilang mga lugar. Simula Oktubre 23, 2024, mayroong mahigit na 1,600 na tauhan ng FEMA na nasa estado. Ang pansamantalang mga lugar na matutuluyan ng ma tagatugon ay ginagamit lamang bilang isang lugar na matutuluyan ng mga tauhan na nagtatrabaho sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo at hind isa anumang ibang layunin. Bilang normal na kasanayan, ang mga pasilidad na ito ay mayroong seguridad upang maprotektahan ang mga tauhan.