Pag-unawa sa Iyong Liham ng FEMA

Release Date Release Number
Release Date:
Oktubre 9, 2024

Ang mga residente ng Illinois na nag-aplay para sa tulong ng FEMA pagkatapos ng mga pagbaha, buhawi, diretsong malakas na hangin at matinding bagyo mula Hulyo 13 – 16, 2024, ay makakatanggap ng liham mula sa FEMA pamamagitan ng koreo o email. Ang liham ay magpapaliwanag ng katayuan ng iyong aplikasyon at kung paano tumugon kung tutol ka sa desisyon ng FEMA o nangangailangan ng karagdagang tulong. Mahalagang basahin nang mabuti ang liham.  

Katayuan: Naaprubahan 

  • Kung naaprubahan ka para sa grant ng FEMA, sasabihin sa iyo ng liham ang uri ng tulong na naaprubahan, ang halaga ng dolyar ng iyong grant, para saan ang mga pondo, at iba pang nakakatulong na impormasyon. 
  • Ang mga gawad na ito ay karaniwang para sa pagkukumpuni, pansamantalang pabahay at iba pang naaprubahang mahahalagang gastos na may kaugnayan sa sakuna. 

Katayuan: Hindi Naaprubahan 

  • Kung sinabi ng sulat na hindi ka naaprubahan, sasabihin nito sa iyo ang dahilan kung bakit o anong impormasyon ang kailangan pa ng FEMA mula sa iyo. Sasabihin rin nito sa iyo kung paano iapela ang desisyon kung tutol ka.  
  • Ilang karaniwang dahilan kung bakit maaaring hindi ka maaprubahan: 
  • Hindi Sapat na Pinsala – Ang tulong ng FEMA ay nilalayong ibalik ang iyong tahanan sa isang ligtas, malinis at maayos na tirahan at hindi mababayaran ang lahat ng pagkalugi sa kalamidad. Gayunpaman, kung ikaw dtutol sa desisyon ng FEMA, maaari kang umapela. Upang mag-apela, pakipadala ng mga kopya ng mga dokumento sa FEMA na nagpapakita kung paano naging hindi ligtas ang iyong tirahan dahil sa pinsala dulot ng sakuna. 
  • Walang Kontak para sa Inspeksyon - Kung hindi ka makokontak ng FEMA upang beripikahin ang iyong pinsala, hindi matutuloy ang pagproseso ng iyong aplikasyon. Upang magpatuloy, dapat kang tumawag sa Helpline ng FEMA (800-621-3362) upang kumpirmahin ang iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan at beripikahin ang iyong pangangailangan para sa tulong. 
  • Kulang ang Dokumentasyon –Maaaring mangailangan ang FEMA ng karagdagang impormasyon mula sa iyo upang matukoy ang iyong pagiging karapat-dapat. Maaaring kabilang dito ang: 
  • patunay ng pagsasaklaw ng insurance 
  • isang kopya ng dokumento sa pag-areglo ng claim sa insurance 
  • patunay na ang nasirang ari-arian ay ang pangunahing tirahan ng aplikante sa panahon ng sakuna. 

Paano Umapela 

Kung tutol ka sa desisyon ng FEMA, mayroon kang opsyon na umapela. Dapat itong isumite sa loob ng 60 araw mula sa petsa ng liham ng desisyon. 
 
Ang iyong liham ng FEMA ay magbibigay ng karagdagang impormasyon sa mga uri ng mga dokumento o impormasyon na isasama kung pipiliin mong iapela ang paunang desisyon ng FEMA.  

Sa iyong liham ng desisyon, magbibigay din ang FEMA ng Form ng Kahilingan sa Apela (Appeal Request Form) na maaaring magamit upang tumulong sa pagbibigay ng karagdagang impormasyon, kung pipiliin mong gawin ito.  

Ang iyong apela ay maaaring isumite sa FEMA sa pamamagitan ng fax o koreo, nang personal sa Disaster Recovery Center o sa pamamagitan ng pag-upload ng dokumento sa iyong online na FEMA account. Para sa pag-set up ng FEMA online na account, bisitahin ang DisasterAssistance.gov, i-click ang “Apply Online” at sunding ang mga direksyon.  

  • Sa pamamagitan ng koreo: FEMA National Processing Service Center, P.O. Box 10055, Hyattsville, MD 20782-7055 
  • Sa pamamagitan ng fax: 800-827-8112, Attention: FEMA: 
  • Nang personal: Bumisita sa anumang Disaster Recovery Center upang isumite ang iyong apela, magsumite ng mga kopya ng mga sumusuportang dokumento, makatanggap ng mga update tungkol sa iyong aplikasyon sa FEMA o makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong. Humanap ng center dito: fema.gov/DRC 

Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa kung paano mag-apela, sumangguni sa liham ng desisyon ng FEMA o tawagan ang Helpline ng FEMA sa 800-621-3362. Kung gumagamit ka ng video relay service (VRS), may caption na serbisyo sa telepono o iba pa, ibigay sa FEMA ang numero para sa serbisyong iyon.  

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa operasyon ng pagbangon mula sa sakuna sa Illinois, bisitahin ang www.fema.gov/tl/disaster/4819.   

Tags:
Huling na-update