Ang Pakikipag-usap sa FEMA ay isang Kalsadang May Dalawang Daanan

Release Date Release Number
036
Release Date:
November 8, 2023

Ika-8 ng Nobyembre, 2023
DR-4728-IL NR-036
Mesa ng Balita ng Estado: (217) 557-4756
Mesa ng Balita ng FEMA: (312) 408-4455
Email ng Mesa ng Balita ng FEMA: FEMA-R5-news-desk@fema.dhs.gov

Paglabas ng Balita

CHICAGO –Ang pagsasara ng mga Sentro ng Pagbawi sa Sakuna ay hindi hudyat ng pagtatapos ng paglahok ng FEMA sa pagbawi ng Illinois sa sakuna. Maaari mo pa ring makuha ang mga sagot sa iyong mga tanong pati narin ang malinaw na paliwanag tungkol sa proseso ng sakuna sa pamamagitan ng pagtawag sa Linya ng Tulong ng FEMA sa 800-621-3362, kung saan mayroong mga multilinggwal na operator na nakahandang tumulong sa iyo. Kung gusto mo, pwede kang pumunta sa online sa DisasterAssistance.gov o gamitin ang app ng FEMA sa iyong  smart device. 

Mula noong Nobyembre 7, inaprubahan ng FEMA ang $273.3 milyon sa gawad para sa tulong pang-indibidwal at pangsambahayan sa mga kwalipikadong residente ng Cook County na nagtamo ng pagkawala dahil sa bagyo at pagbaha noong Hunyo 29 – Hulyo 2. Para sa papel nito, ang Administrasyon ng Maliliit na Negosyo sa U.S. ay nag-apruba ng higit sa $92.3 milyon sa mababang-interes na pautang sa negosyo sa mga may-ari ng bahay, umuupa, at negosyo upang tulungan ang mga kwalipikadong nakaligtas sa kanilang daan patungo sa kanilang dating katayuan bago ng sakuna.

Dahil marami ang nakasalalay sa pagkakaroon ng wastong impormasyon, mahalaga na kaya kang matawagan ng FEMA. Magkaroon ng kamalayan na ang mga tawag sa telepono mula sa FEMA ay maaaring magmukhang na nanggagaling sa hindi kilalang numero. Mangyaring siguraduhin na nasa FEMA ang iyong kasalukuyang impormasyon sa pakikipag-ugnayan. Kung mayroong pagbabago sa iyong numero ng telepono, kasalukuyang address sa koreo, o impormasyon sa pagbabangko o seguro, mangyaring ipaalam ito sa FEMA para ma-update namin ang file mo. 

Pwede mong i-update ang iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan sa parehong paraan kung paano mo pwedeng makuha ang mga sagot sa iyong mga tanong:

  • Pumunta online sa DisasterAssistance.gov.
  • Gamitin ang app ng FEMA para sa smart devices.
  • Tumawag sa 800-621-3362 (TTY 800-462-7585). Ang mga libreng toll na numero ay bukas mula 6 n.u. hanggang hatinggabi sa lokal na oras, araw-araw. Yung mga gumagamit ng serbisyo ng relay tulad ng videophone, InnoCaption o CapTel ay dapat magbigay sa FEMA ng kanilang tiyak na numero ng teleponong itinalaga sa serbisyong iyon.

Kapag tinawag ka, nasa mga espesyalista ng FEMA ang iyong numero ng pagrerehistro sa FEMA, numero ng telepono at address ng nasirang pag-aari. Maaari nilang hingin sa iyo ang unang apat na numero ng iyong numero ng pagrerehistro sa FEMA. Hindi sila manghihingi ng pera; walang bayad para mag-apply para sa tulong ng FEMA. Kung nanghihinala ka tungkol sa isang tumatawag sa iyo, tawagan mo ang Linya ng Tulong ng FEMA sa 800-621-3362 (TTY 800-462-7585) para beripikahin na sinusubukan kang tawagan ng FEMA. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay tulad ng serbisyo ng relay sa bidyo, serbisyo ng naka-caption na telepono o iba pa, ibigay mo sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon. 

Habang ang panahon ng aplikasyon para sa mga bagong rehistrasyon ay nagsara noong Oktubre 30, ang FEMA ay magpapatuloy na magproseso ng apela at tumulong sa mga aplikante sa mga tanong.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa operasyon ng pagbawi sa sakuna sa Illinois, bisitahin ang https://fema.gov/disaster/4728

###

Ang tulong sa pagkabawi mula sa sakuna ay magagamit nang walang pagsasaalang-alang sa lahi, kulay, relihiyon, nasyonalidad, kasarian, edad, kapansanan, kasanayan sa Ingles, o pang-ekonomiyang katayuan. Ang makatwirang akomodasyon, kabilang ang pagsasalin ng wika at tagapagsalin ng American Sign Language (wikang pasenyas ng Amerika) gamit ang Serbisyong Relay ng Bidyo ay magagamit upang masigurado ang epektibong komunikasyon sa mga aplikanteng may limitasyon sa kasanayan sa Ingles, kapansanan, daanan at functional na pangangailangan. Kung ikaw o ang isang kakilala mo ay may diskriminasyon, tumawag sa FEMA nang libreng-toll sa 800-621-3362 (kabilang ang 711 o Relay ng Bidyo).

Tags:
Huling na-update noong