30 Estado, Inaprubahan ng Administrador ng FEMA para sa Pagpapayo Ukol sa Krisis

Release Date Release Number
HQ-20-129
Release Date:
Mayo 2, 2020

WASHINGTON—Inanunsyo ngayong araw ng FEMA ang pag-apruba sa 30 estado at sa District of Columbia para sa programa nito na Tulong at Pagsasanay sa Pagpapayo Ukol sa Krisis. Tumutulong ang programa sa pagpondo sa mga serbisyo ng pagpapayo ukol sa krisis na pinapatakbo ng estado para sa mga residenteng nakakaranas ng stress at pagkabalisa dulot ng pandemya ng coronavirus (COVID-19).

Pinondohan ng FEMA ang pagpapayo ukol sa krisis sa anim na estado:

  • $1.6 milyon sa California
  • $464,000 sa Massachusetts
  • $371,000 sa Michigan
  • $882,000 sa New Jersey
  • $1.3 milyo sa New York
  • $2.1 milyon sa Washington

Kahit na inaprubahan din ng FEMA ang programa sa Florida, Illinois, Louisiana, at Texas, sinusuri pa ang pagbibigay ng pondo.

Itinalaga ni Pangulong Trump ang awtoridad sa Administrador ng FEMA na si Pete Gaynor para sa pag-apruba ng mga kahilingan sa programa upang mapabilis ang pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan.

Inaprubahan ng Administrador ang mga kahilingan para sa: Alabama, Arizona, Arkansas, Connecticut, Colorado, Delaware, Georgia, Idaho, Indiana, Iowa, Kansas, Maryland, Mississippi, Missouri, Nebraska, Nevada, New Hampshire, New Mexico, North Carolina, North Dakota, Ohio, Pennsylvania, Rhode Island, South Carolina, South Dakota, Tennessee, Utah, Vermont, Virginia, Wisconsin at sa District of Columbia.

Tinutulungan ng programa ng FEMA na Pagpapayo Ukol sa Krisis ang mga tao at komunidad na makabangon mula sa mga epekto ng mga natural o dulot ng tao na sakuna sa pamamagitan ng mga pangmadaliang pamamagitan na nagbibigay ng emosyonal na suporta, pagpapayo ukol sa krisis, at pakikipag-ugnayan sa mga pampamilya at pangkomunidad na sistema ng suporta.

Dahil sa pambansang emergency na dulot ng COVID-19 at sa pangangailangang protektahan ang kaligtasan at kalusugan ng lahat ng American, ihahatid ang mga serbisyo ng pagpapayo ukol sa krisis sa pamamagitan ng telepono, internet, at social media.

Available ang tulong sa lahat ng residente ng United States gamit ang Disaster Distress Helpline ng Substance Abuse and Mental Health Services ng Department of Health and Human Services ng U.S. sa pamamagitan ng pagtawag sa 1-800-985-5990 o pagte-text sa TalkWithUs sa 66746. Dapat tumawag ang mga nagsasalita ng Spanish sa 1-800-985-5990 at pindutin ang "2" o i-text ang Hablanos sa 66746 mula sa lahat ng 50 estado.

Kung tumatawag mula Puerto Rico, i-text ang Hablanos sa 1-787-339-2663. Kung ikaw ay bingi o may mahinang pandinig, gamitin ang gusto mong relay na serbisyo para tawagan ang Disaster Distress Helpline sa 1-800-985-5990 o sa TTY 1-800-846-8517. Available ang toll-free, multilingual, at kumpidensyal na serbisyo ng suporta sa krisis sa lahat ng residente sa United States at mga teritoryo nito.

###

Related Links:
Tags:
Huling na-update