Inilalabas ng FEMA ang pansamantalang pagsuspinde sa upa para sa mga nakaligtas sa sakuna na naninirahan sa pabahay ng FEMA sa mga sumusunod sa estado:
- California
- Florida
- North Carolina
- Texas
Tutulong itong mapagaan ang pasanin sa pananalapi sa mga nakaligtas sa sakuna dahil sa pandemyang coronavirus (COVID-19). Sa upa lamang naaangkop ang suspensyon; ang pagkolekta sa upa ay inaasahang magbabalik sa Hulyo 1.
Ano ang maaaring asahan ng mga indibidwal na naninirahan sa pabahay ng FEMA?
Magpapadala ang FEMA ng sulat sa lahat ng apektadong nangungupahan tungkol sa pagkasuspinde ng kanilang upa.
Ang mga nakaligtas sa sakuna na may mga katanungan ay maaaring tumawag sa FEMA helpline sa 800-621-3362 o TTY 800-462-7585. Ang mga gumagamit ng 711 o Video Relay Service, ay maaaring tumawag sa 800-621-3362.
Kasaysayan:
Kasunod ng pagdeklara ng malaking sakuna, kung ang tirahan ng nakaligtas sa sakuna ay nasira o nawasak at ang nakaligtas ay hindi makahanap ng panibagong ligtas na matitirhang lugar, maaari silang maging kuwalipikado para sa pansamantalang yunit ng pabahay. Nagkakaloob ang FEMA ng pansamantalang pabahay, mga utilidad at pagpapanatili nang walang bayad ng hanggang 18 buwan pagkatapos ng petsa ng pagdeklara ng sakuna. Bilang kapalit, ang mga nakaligtas sa sakuna ay kinakailangang pagsumikapan ang pagkumpleto sa napakahahalagang pagkukumpuni sa tirahan o humanap ng naaangkop na tirahan. Ang mga nakaligtas sa sakuna ay kinakailangan ding sumunod sa mga tuntunin at kondisyon ng FEMA para sa paninirahan sa pansamantalang yunit ng pabahay, na kinabibilangan ng pagsunod sa mga pederal, pang-estado, at lokal na batas, at anumang mga patakarang itinatag ng may-ari ng parke kung ang yunit ay nasa isang pangkomersyong parke.
Kung, pagkatapos ng 18 buwan ay pinalawig ng FEMA ang direktang tulong sa pabahay at ang nakaligtas sa sakuna ay hindi nakabalik sa tirahan o nakahanap ng panibagong matitirhang lugar, maaari nilang manatili sa pabahay ng FEMA ngunit magbabayad ng upa batay sa Fair Market Rent (FMR, Patas na Upa sa Merkado), gaya ng itinatag ng U.S. Department of Housing and Urban Development (Kagawaran ng Pabahay at Pagpapaunlad sa Kalunsuran ng Estados Unidos). Binabawasan ng FEMA ang halaga ng upa para sa mga nakaligtas sa sakuna na magpapakitang hindi nila kayang bayaran ang halagang ito dahil sa kalagayan ng pananalapi.
Ang mga nakaligtas sa sakuna na may mga benepisyo sa insurance na nagkakaloob ng coverage sa mga karagdagang gastusin sa pang-araw-araw na pamumuhay ay inaatasang bayaran ang upa sa FEMA ng hanggang sa FMR o sa halaga ng mga benepisyong ito (alinman ang mas mababa) upang maiwasan ang pagkadoble ng mga benepisyo sa insurance na ipinagbabawal ng batas. Ang mga nakaligtas sa sakuna na magbabayad nito ay kinakailangang patuloy na gawin ito hanggang sa maubos ang kanilang mga karagdagang benepisyo sa gastos sa pamumuhay.
# # #