Estado at Federal na Pondo para sa Sakuna Umabot ng $210 Milyon

Release Date Release Number
DR-4393-NC NR 024
Release Date:
October 4, 2018

RALEIGH, N.C. – Tatlong linggo matapos ang pang-federal na deklarasyon ng sakuna para sa Bagyong Florence, higit sa $210 milyon ng pondo ng estado at ng federal ang ibinigay ng direkta sa mga taga-North Carolina upang makatulong sa kanilang rekaberi.

 

Ang mga pondo ay galing sa mga grant ng FEMA, mga bayad sa mga kleyms galing sa Programa para sa Pambansang Insurance kapag may Baha (NFIP) at utang para sa sakuna na may mababang interest galing sa U.S. Administrasyon para sa Maliliit na Negosyo(SBA):

 

  • Mahigit sa $82 milyon na estado at federal na mga grant ay inaprobahan para sa mga may ari ng bahay at mga umuupa.
  • Mahigit sa $66 milyon na mga paunang bayad at mga bayad ng kleyms na ibinigay sa mga may hawak ng polisiya ng NFIP.
  • Malapit sa $62 milyon na may mababang-interest na utang para sa sakuna galing sa SBA ang inaprobahan para sa mga may ari ng bahay, mga umuupa, at mga may ari ng negosyo.
     

Kasali sa mga iba pang balita mula sa estado at federal ay:

  • Mahigit sa 22,000 ng mga may ari ng bahay at mga umuupa sa North Carolina ang nakatanggap na ng tulong para sa kanilang tirahan kasama na ang mga grant para sa pagpapakumpuni nito.

 

  • Mahigit sa 14,000 na may ari ng bahay at mga umuupa ang nakatanggap ng tulong upang makapagbayad ng renta.
    • Bukod dito, nakikipagtulungan ang FEMA sa Estado ng North Carolina upang maimplementa ang isang targeted na estratehiya upang makapagbigay ng iba pang uri ng pagsamantalang tirahan na pinakabagay ukol sa pangangailangan ng mga mamamayan na nakaligtas ngunit nawalan ng tirahan.

 

  • Nagbukas ng 11 na Rekabari Senter para sa Sakuna ang FEMA at ang Estado ng North Carolina at nagpapasok ng mahigit sa 5,000 na mga bisita. Nagsilbing isang one-stop shop ang mga senters para sa mga nakaligtas sa bagyo na nangangailangan ng one-on-one na tulong. Maaaring bumisita ang sino mang nakaligtas na mga mamamayan sa kahit anong senter para humingi ng tulong. Upang makahanap ng senter, pumunta sa fema.gov/DRC. Mas marami pang senters ang malapit nang buksan.
  • Dosedosenang tauhan ng Tulong para sa mga Nakaligtas sa Sakuna ang bumisita na sa libo-libong tahanan sa mga komunidad na napinsala ng bagyo. Ang mga miyembro ng crew ay maaaring sumagot sa mga katanungan, magrehistro sa mga nakaligtas, at gumawa ng referal sa mga kasosyo ng komunidad. Lahat ng empleyado o mga kontraktor ay humahawak ng badj ng gobyerno o kontraktor bilang palatandaan ng kanilang katauhan. Upang maiwasan ang pandaraya, ang mga nakaligtas ay dapat tanungin kung maaari bang ipakita nila ang kanilang badj.
  • Natapos nang inspeksiyonin ng mga inspektor ng FEMA ang malapit sa 72,000 na mga bahay bilang bahagi ng proseso upang malaman kung ang mga aplikante ay makakatanggap ng tulong. Kung nagkataon na hindi maaaring pasukin ang bahay sa oras nang pagrehistro sa FEMA—ngunit ngayon ay pwede na—dapat na tumawag ang aplikante sa FEMA o bumisita sa kahit aling rekaberi senter para maipalam ang pagbabago.
  • Mahigit sa $54 million sa tulong para sa pagkain ang naibigay galing sa Pang-sakunang Programa para sa Pandagdag na Tulong para sa Nutrisyon (D-SNAP). Kasali na dito ang 185,000 na tao na nakatanggap ng pandagdag sa kanilang kasalukuyang benepisyo galing sa mga Serbisyo para sa Pagkain at Nutrisyon (FNS) at mahigit sa 180,000 bagong mga mamamayan na hindi dating nakakatanggap ng tulong galing sa programa ng FNS.

Ang mga may-ari ng bahay, mga umuupa, at mga may-ari ng negosyo sa North Carolina sa mga sumusunod na 28 counties ay maaaring mag-aplay para sa tulong para sa sakuna para sa mga taong walang insurance at kulang ang sakop ng insurance na pinsala at kawalan na resulta ng Bagyon Florence. Beaufort, Bladen, Brunswick, Carteret, Columbus, Craven, Cumberland, Duplin, Greene, Harnett, Hoke, Hyde, Johnston, Jones, Lee, Lenoir, Moore, New Hanover, Onslow, Pamlico, Pender, Pitt, Richmond, Robeson, Sampson, Scotland, Wayne at Wilson.

 

Para sa mga kwalipikadong may ari ng bahay o uumupa, ang grant para sa sakuna ay makakatulong para sa pagsamantalang tulong para makapagbayad ng upa, gastos para sa mga pangunahing kailangan kumpunihin sa bahay upang maaari itong matirahan, at para sa mga seryosong pangangailangan na dahilan sa sakuna na hindi nasakop ng insurance.

 

Dapat tawagan muna ng mga nakaligtas ang kanilang ahensya ng insurance. Para sa mga hindi sakop o kulang ang sakop ng insurance, mag-aplay upang makakuha ng tulong para sa sakuna:

  • Mag-online at pumunta sa DisasterAssistance.gov; o
  • Gamitin ang FEMA na app para sa selfon; o
  • Tawagan ang helpline para sa tulong para sa sakuna  sa 800-621-3362 (boses, 711 or VRS) kahit anong oras simula  7 a.m. hanggang 10 p.m. sa lokal na oras pitong araw kada linggo hanggang may karagdagang pahayag. Ang mga gumagamit ng TTY ay maaaring tumawag sa 800-462-7585. May abeylabol na mga operaytor para sa iba’t ibang wika.
  • Bumisita sa rekaberi senter:

 

###

 

Misyon ng FEMA: Tulongan ang mga mamamayan bago, habang, at pagkatapos ng mga sakuna.

Para sa iba pang impormasyon sa rekaberi ng North Carolina dahil sa Bagyon Florence, bisitahin ang NCDPS.gov/NCEM atFEMA.gov/Disaster/4393. Sundan sa Twitter: @NCEmergency at @FEMARegion4.

 

Lahat ng tulong sa sakuna ng FEMA ay ibinibigay ng walang diskriminasyon dahil sa lahi, kulay, kasarian( kasali ang sekswal na pang-haharas), relihiyon, nasyon na pinanggalingan, edad, kapansanan, hindi kagalingan mag-ngles, estado sa ekonomiya, o retalyasyon. Kung naniniwala kang nilabag ang iyong mga karapatang sibil, pakitawag ang 800-621-3362 or 800-462-7585(TTY/TDD).

 

Ang pansamantalang tulong sa bahay, at grants para sa gastos para sa pampublikong transportasyon, medikal at dental na gastos, at mga gastos para sa burol at pang-libing ay hindi kinakailangan mag-aplay ng kada-individwal ng SBA na utang. Samakatwid, ang mga aplikante na nakatanggap ng aplikasyon upang makakuha ng utang sa SBA ay dapat ibigay ito sa isang opiser ng utang sa SBA upang makatanggap ng tulong para masakop ang mga gastusin para sa personal na pag-aari, pagpapaayos o pagpapalit ng sasakyan, at paglilipat o pag-iimbak.  

Tags:
Huling na-update noong