Ang Tulong sa Pag-upa ng FEMA ay isang pansamantalang tulong na magagamit ng mga aplikante ng FEMA na ang mga tahanan ay nananatiling hindi matirahan matapos ang mga wildfire. Ito ay tumutulong sa pagbabayad ng pansamantalang tirahan habang inaayos ang kanilang tahanan o naghahanap ng bagong mauupahang tahanan. Maaaring malaman ng mga potensyal na landlord ang karagdagang impormasyon tungkol sa tulong sa pag-upa sa ibaba.
Pansamantalang Suporta sa Pabahay ng FEMA
Nakikipagtulungan ang FEMA sa mga aplikante na hindi makatira sa kanilang nasirang tahanan upang malaman ang kanilang pangangailangan sa pansamantalang pabahay. Tinutulungan ng Tulong sa Pag-upa ang mga aplikante sa pagbabayad ng security deposit, buwanang upa, at mga utility (gas, langis, basura, sewer, kuryente, at tubig) para sa ibang tirahan maliban sa kanilang nasirang tahanan.
Ang halaga ng tulong sa pag-upa ay ibabase sa makatarungang halaga ng pamilihan sa Los Angeles County na itinakda ng Kagawaran ng Pabahay at Pagpapaunlad ng Lungsod ng U.S.
Ang paunang tulong sa pag -upa na ibinabayad ng FEMA sa mga kwalipikadong aplikante ay maaaring magbayad ng hanggang dalawang buwang upa, na may mga karagdagang tatlong buwang palugit hanggang 18 buwan mula sa petsa ng deklarasyon ng sakuna ng FEMA (Enero 8, 2025), kung mananatiling kwalipikado ang aplikante.
Ang mga palugit ng tulong sa pag-upa ay hindi matiyak sa oras na lumipat ang nangungupahan. Nakasalalay ito sa progreso ng pagsasaayos ng nasirang tahanan o sa paghahanap ng ibang permanenteng solusyon sa pabahay. Sa buong panahon ng pag-upa, ang mga tumatanggap ng tulong ay kailangang magpatuloy sa paggawa ng plano para sa permanenteng pabahay upang manatiling kwalipikado para sa Tulong sa Pag-upa. Dapat din nilang sundin ang kanilang kasunduan sa pagpapaupa at patunayan ang patuloy na pangangailangan para sa tulong sa pag-upa.
Suporta mula sa Estado sa Pabahay Pagkatapos ng Wildfire
Ang mga landlords na may planong magbigay ng espasyo para sa upa sa mga nakaligtas sa wildfire ay maaaring suriin ang kamakailang batas ng ehekutibo ni Gavin Newsom na tumatalakay sa pangangailangan sa pabahay ng mga indibidwal na nawalan ng tahanan dulot ng sunog.
Pinadali ng kautusan ang paggawa ng mga bagong pansamantalang pabahay, inutusan ang mga departamento ng estado na tulungan ang mga lokal na pamahalaan sa pagbuo ng mga plano para sa pansamantalang pabahay upang magbigay ng silungan para sa mga nakaligtas sa wildfire, at pinalawig ang pagbabawal sa price-gouging sa mga hotel, motel, at paupahang tahanan sa Los Angeles County hanggang Marso 8, 2025. Maaaring makita ang kopya ng batas na ehekutibo dito.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Tulong sa Pag-upa ng FEMA at iba pang mga programa ng FEMA para sa pagbangon, bisitahin ang DisasterAssistance.gov.