Dapat na mapatunayan ng mga may-ari at umuupa na sila ang nakatira sa napinsala ng sakuna na pangunahing tirahan bago matanggap ang Housing Assistance (Tulong sa Tirahan) at ilang uri ng Other Needs Assistance (Tulong sa Iba Pang Pangangailangan). Tumatanggap na ngayon ang FEMA ng malawak na hanay ng dokumentasyon:
Pagmamay-ari
- Puwede magbigay ang mga may-ari ng bahay ng mga opisyal na dokumentasyon gaya ng:
- Orihinal na deed o deed of trust sa pag-aari
- Isang mortgage statement o escrow analysis
- Resibo o bill ng buwis para sa ari-arian (property tax)
- Sertipiko o titulo ng na-manufacture na bahay
- Karagdagan pa, tatanggapin na ngayon ng FEMA ang isang liham ng pampublikong opisyal o mga resibo ng pangunahing pagkukumpuni o pagpapaayos. Ang pahayag ng pampublikong opisyal (hal., hepe ng pulisya, alkalde, postmaster) ay dapat magsaad ng pangalan ng aplikante, address ng tirahang napinsala ng sakuna, ang saklaw na panahon ng pagtira at pangalan at numero ng telepono ng opisyal na nagve-verify.
- Ang mga nakaligtas na may mga minanang ari-arian, mobile home o travel trailer na wala ng tradisyonal na dokumentasyon ng pagmamay-ari ay maaaring sila mismo ang mag-certify ng pagmamay-ari bilang panghuling solusyon.
- Minsan lang kailangang mag-verify ng pagmamay-ari ang mga may-ari ng bahay na may parehong address mula sa nakaraang sakuna. Pinalawak din ng FEMA ang petsa ng mga kwalipikadong dokumento mula tatlong buwan hanggang isang taon bago ang sakuna.
Paninirahan
- Dapat idokumento ng mga may-ari ng bahay at mga umuupa na sila ang nakatira sa bahay nang maganap ang sakuna.
- Dapat magbigay ang mga aplikante ng opisyal na dokumento sa paninirahan, gaya ng:
- Mga utility bill, bank o credit card statement, phone bill, atbp.
- Pahayag ng employer
- Kasulatan ng kasunduan sa pangungupahan
- Mga resibo ng pagrenta
- Pahayag ng pampublikong opisyal
- Tatanggapin na ngayon ng FEMA ang rehistro ng sasakyang de-motor, mga liham mula sa mga lokal na paaralan (pampubliko o pribado), mga provider ng pederal at pang-estadong benepisyo, mga organisasyon ng social service o mga dokumento ng hukuman.
- Puwede ring gamitin ng mga aplikante ang isang nilagdaang pahayag mula sa isang komersyal o mobile home park owner, o sariling pag-certify para sa isang mobile home o travel trailer bilang panghuling solusyon.
- Kung matagumpay na mapatunayan sa FEMA ng mga nakaligtas ang paninirahan mula sa nakaraang sakuna sa loob ng dalawang taon, hindi na nila ito kailangan pang gawing muli.
Ang mga aplikante sa Florida na nangangailangan ng libreng legal na tulong tungkol sa dokumentasyon ng pagmamay-ari ng bahay at hindi nila kayang magbayad ng isang abugado, puwede silang tumawag sa Disaster Legal Aid hotline sa 866-550-2929. Available ang Hotline 24/7 at puwedeng mag-iwan ng mensahe ang mga tumatawag anumang oras.
Para mag-apply para sa tulong sa sakuna ng FEMA, mag-online sa DisasterAssistance.gov, gumamit ng FEMA app para sa mga smartphone o tumawag sa 800-621-3362. Available ang tulong sa halos lahat ng wika. Kung gumagamit ka ng relay service, ibigay sa FEMA ang numero para sa serbisyong ito.